Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca King ayaw nang bumalik sa GMA? (Dahil sa VIP treatment sa kanya ng TV 5 …)

TAMANG-TAMA pala ang pagkakakuha ng TV 5 sa serbisyo ni Bianca King kasi tapos na ang kontrata ng actress sa GMA.

Hindi lang basta binigyan ng sarili niyang teleserye si Bianca ng Kapatid network kundi VIP pa ang treatment sa kanya ng mga executive ng estasyon. Bukod sa bonggang press conference para sa serye niyang Obssesion, solo ang guesting ni Bianca sa lahat ng mga show ng TV 5 including their news program. Naglalakihan din ang billboard ng nasabing teleserye na makikita sa matataong lugar sa Mega Manila. Isa lang ang ibig sabihin, masyadong bilib ang network ni Mr. Manny Pangilinan kay Bianca. Well, noong time na nasa GMA 7 pa ang actress ay rating naman kasi ang mga teleseryeng ginawa niya. So ‘yun ang feeling ng TV 5 na tatangkilikin rin si Bianca sa kanilag estasyon.

At dahil sa tratong reyna sa kanya ay parang ayaw na raw bumalik ni Bianca sa Kapuso at mas type pa niyang gumawa ng project sa ABS-CBN lalo pa’t freelancer siya. Matagal na raw pangarap ng actress at sana mabigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Kapamilya network.

Let’s see na lang gyud!

CHICHAY (KATHRYN) AT JOAQUIN (DANIEL) PAGLALAYUIN SA GOT TO BELIEVE

Sa hit nilang teleserye na Got To Believe, ay nangyari na ang inaasam na date ni Joaquin (Daniel Padilla) para sa kanila ni Chichay (Kathryn Bernardo).

Pakiramdam ni Joaquin ay siya na ang pinamakasamayang lalaki sa mundo dahil kasama niya ang babaeng minamahal. Pero pagkatapos ng masasayang sandali nila ni Chichay. Kasunod pala nito ay ang pagdala sa kanya ng mga magulang na sina Julianna (Carmina Villaroel) at Jaime (Ian Veneracion) sa Amerika para ipatanggal na ang bala sa ulo na simula pa pagkabata ay dala-dala na. Kailangan gawin na ito nang madalian dahil anytime ay puwedeng mamatay si Joaquin.

Sa sa bagong teaser ng Got To Believe ay ipinakitang naging matagumpay ang operasyon sa ulo ni Joaquin habang si Chichay naman ay nagpunta sa Singapore para magtrabaho sa nasabing bansa. Ang shocking sa televiewers ay ang babaeng binigyan ng bulaklak ni Joaquin at parang hindi na niya kilala si Chichay nang makita siya ng dalaga sa Park.

Totoo na ba ito o isang panaginip lang? O nagkaroon ba ng amnesia si Joaquin pagkatapos matanggal ang bala sa ulo? Para mabigyan ng kasagutan ang lahat?

Abangan n’yo ang pagbubukas ng bagong chapter sa buhay ni Chichay at Joaquin?

Mapapanood ang Got to Believe pagkatapos ng Honesto sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

BARANGAY NG MGA KAPAMPANGAN SA SAPANG MEXICO ITINANGHAL NA BARANGAY BAYANIHAN GRAND WINNER SA BULAGA

Pinatunayan ng mga Kabalen nating Kapampangan sa Brgy. Sapang Maisac, Mexico, Pampanga na sila ang karapat-dapat na tanghaling Grand Winner sa Barangay Bayanihan para sa buwan ng Disyembre. Yes sobrang maayos, malinis at tahimik ang nasabing barangay na sumali noong December 19 sa Juan For All, All For Juan. Ilang barangay ang tinalo nila kaya naman mas lalo pang inspirado ngayon ang Barangay Chairman na si Cesar Laxamana na mas paunlarin pa ang lugar na kinasasakupan. Lalo na ngayong sinuportahan na sila ng Eat Bulaga ng mga gamit para sa kanilang Health Center tulad ng gamot, medical equipment, wheelchair at iba pang mahahalagang kagamitan para rito. Every month bawat barangay na mapipili nilang Grand winner ay inaalam at sinisiguro ng Eat Bulaga ang higit na kailangan ng mga residente at kung ano ito ay iyonang premyong ipagkakaloob nila. Abangan, naman kung sino ang magiging Grand Winner na Barangay para sa buwan ng Enero.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …