Uuwi na sa Tacloban nga-yong Martes ang mga ‘Yolanda’ survivor na panandaliang nanatili sa Tent City sa Pasay.
Ayon kay Rosalinda Orobia, head ng Pasay City Social Welfare Service, babalik na ang 26 pamilyang nanuluyan sa Tent City.
Sagot ng mga non-government organizations (NGOs) at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang pag-uwi ng mga biktima sakay ng 4 na bus at 2 truck na puno ng kanilang mga gamit.
Ani Orobia, naka-reco-ver na sa traumang naranasan sa delubyo ang mga survivor at kailangan na rin nilang bumalik para makapagsimula sa panibagong buhay.
Binanggit ni Orobia na ang mga survivor na rin ang humiling na makauwi na dahil masyadong malamig sa Metro Manila lalo’t walang dingding ang tinutuluyan nilang Tent City.
Sa Huwebes, Enero 23, ang uwi ng ilan pang naiwan sa Tent City na mga taga-Samar.