Friday , November 15 2024

Yaman ng DPWH Region 4-A, kalkalin!

LIFESTYLE check sa mga kawani at opisyal ng gobyerno, ba’t tila nag-laylo ang pamahalaan sa pagbigay halaga nito? Dahil kaya sa posibilidad na magkakaubusan ng mga nakaupo sa pamahalaan? Hehehe … paano kasi halos ninety percent yata ng mga kawani at opisyal sa pamahalaan ay magnanakaw.

HIndi naman siguro kundi, nakokonsensiya lang din ang mga mag-iimbestiga dahil maging sila ay magnanakaw din.

Ang korupsyon nga pala ay hindi lamang ang pagbubulsa ng malaking halaga mula sa pondo ng ahensya mula naman sa pawis ng masa kundi maging ang pag-uuwi ng ballpen, pencil, bond paper, etc., ay maituturing na rin na pagnanakaw.

Maliit man iyang ninakaw o malaki, korupsyon pa rin iyan. Kaya, may malinis nga ba sa bawat ahensya ng pamahalaan?

Pero ano pa man, dapat lamang na buhayin ng gobyernong Aquino ang lifestyle check sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan. Dumarami na naman kasi ang nangyayaring nakawan sa pamahalaan sa kabila ng ipinamamalas ngayon ni PNoy na imbestigasyon sa mga malakihang korupsyon.

Ngayon, nakasentro ang pamahalaan sa Bureau of Customs (BoC) sanhi ng lumalalang smuggling bunga ng korupsyon sa Aduana. Maganda iyan ginagawa ng pamahalaang Aquino. Sana nga ay matuldukan na ang smuggling.

Balik tayo sa lifestyle check. Ganoon kaya katotoo ang info sa inyong lingkod na may isang engineer sa DPWH na ubod nang yaman sa kabila ng posisyon niya. Nakabase ang engineer na ito sa Region 4-A.

Ibang klase nga raw ang estilo ng nasabing engineer. May sarili siyang mga kontraktor para sa mga proyekto ng ahensya. Gano’n? Kumbaga, may bitbit siyang mga kontraktor. Dahil bitbit niya ang mga kontraktor ay wala nang bidding – bidding sa DPWH at sa halip ang lahat ng proyekto ay diretso na sa kanyang mga bitbit na kontraktor.

E ano naman ang kapalit ng kontratang pailalim na ipinadaan? Naturalmente kundi SOP – standard operation procedure? Hindi kundi SAVE OUR POCKET.

Yes, kapag naibigay na ni engineer ang proyekto sa kanyang mga bitbit na kontraktor – dapat ibigay din agad sa kanya ang 15 percent na SOP kahit na hindi pa nag-umpisa ang project o kahit na hindi pa nakasisingil ang mga kontraktor.

Heto pa nga, kapag na-delay pa nga raw ng pagdeliber ng SOP kay engineer, aba’y nagagalit at kanyang binubulyawan ang mga liason officer ng mga contractor.

Ayon pa sa info, grabe ang laki ng bahay niya sa isang kilalang exclusive subdivision sa Makati. Hindi presyong pang-engineer sa pamahalaan kundi presyong multimillionaire. Kung pag-uusapan pa ang laman ng bahay. Naku talo pa ang laman ng Malacañang.

Ganoon katindi ang kayamanan ng engineer na nakatalaga sa nasasakupan ng Southern Tagalog.

‘E sino nga ba ang government engineer na tila UNTOUCHABLE ang kanyang kalokohan sa DPWH? Dami nga rin luxury vehicles at may mga  naipatayong negosyo na rin ang mama na ang kapital ay mula sa SOP para naman sabihin dito nanggaling ang kanyang yaman. BUKO ka na engineer, kaya bago mag-KRUS ang landas ninyo ni PNoy ay MAGBAGO ka na! Mainit kay PNoy ngayon ang mga corrupt.

Abangan sa susunod na mga araw kung ano pa ang mga kuwestiyonableng yaman ni ENGINEER.

At sino nga ba ang engineer na ito?

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at sumbong, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *