HINDI man magustuhan ng karamihan, malapit nang magka-access ang mga babae sa smart bra na magsasabi sa kanilang umiwas sa junk food kapag nakararamdam ng stress.
Nagde-deve-lop ngayon ang Microsoft ng bagong bra, na kina-bitan ng mga sensor na idini-senyong makapagmo-monitor ng iba’t ibang mood. Kapag nakaramdam ng stress, nagpapa-dala ang bra ng alert sa pama-magitan ng Bluetooth sa smartphone ng may suot nito.
Bakit nilikha ang bagong produkto? Ito’y dahil karamihan ng kababaihan ay madalas na lumalakas ang pagkain depende sa kanilang emos-yon, paliwanag ng mga eksperto, at lumitaw sa mga pag-aaral na karamihan sa kanila ay nagkaka-problema sa kanilang timbang at kalusugan sanhi nito.
Gayonpaman, ang kahalintulad na produkto na laan para sa kalalakihan ay hindi ipinagpa-tuloy dahil isa sa mga sensor nito ay kailangan ilagay malapit sa puso, iniulat ng BBC.
”Napalakas ang kain ko nang hindi ko aktuwal na napapansin, at nalaman ko lang nang mag-log ako ng aking eating habit at emosyon. Noon ko napagtanto na nakapagti-trigger ang stress ng emotional eating, at nalaman ko rin nakaaapekto sa aking kalusugan,” pahayag ng isa sa mga kalahok sa isinagawang pag-aaral.
Malayo pa ang nasabing bra sa production line dahil kailangan pang iresolba ang tungkol sa battery life at disenyo.
Nitong nakaraang buwan, isang bra na nakakonekta sa Twitter ang napabalitang nakapagti-tweet sa tuwing hinuhubad ito para himukin ang kababaihan na mag-self-examine ng kanilang dibdib. Bukod dito, nitong nakaraang taon din ay ini-award ang patent sa isang US firm para lumikha ng smart bra na sumusuri sa init ng dibdib para ma-detect ang cancer.
Kinalap ni Sandra Halina