PATULOY pa rin ang reporma sa Bureau of Customs (BoC) na ginagawa ni Department of Finance Cesar Purisima para baguhin pa ang ilang maling sistema o kalakaran sa bakuran ng customs.
Marami sa mga empleyado ng BoC ang tila napapraning at nag-aalala kung ano pa ang hinaharap nilang kinabukasan lalo na ang mga customs examiners dahil may balita na may mga license customs broker na under going training na sa Department of Finance that might replace them.
Karamihan kasi sa mga natitirang customs official o officer holding a position ay walang katiyakan na mananatili sila sa kanilang pwesto. Baka nga bukas o sa susunod na araw lang ay sibak na rin sila?
Wala na nga raw kwenta kung ilang taon kang nagserbisyo sa BoC kahit career official ka pa, basta nakursunadahan ka ay tapon ka!
Only the trusted people of the Secretary Purisima are posted in sensitive position now at BOC.
Is Sec. Purisima doing the right thing in reforming customs for a better revenue collection for the government?
Malalaman natin ‘yan sa mga susunod na buwan kung tataas nga ang collection ng BOC sa reform formula ni Purisima!
Ricky “Tisoy” Carvajal