Thursday , January 9 2025

Piso mula sa magsasaka reward vs Bangayan

012114 villar piso
PISO-PISO DRIVE. Ibinigay ng mga miyembro ng iba’t ibang irrigation groups kay Senator Cynthia Villar, chair of the senate committee on agriculture, ang kabuuang P55,000 halaga ng piso na kinalap mula sa kanilang mga kasapi bilang pabuya sa mabilis na ikadarakip ng lahat ng  rice smugglers, kabilang si David Tan, ang umano’y ‘Goliath’  sa rice smuggling. Bubusisiin ni  Villar  bukas (Enero 22, 2014) sa senate inquiry  ang mga dahilan kung bakit patuloy ang rice smuggling at aalamin ang lahat ng mga sangkot sa ilegal na gawaing ito. Nasa larawan sina (mula kaliwa pakanan) Oscar Legaspi – Arya, Progresibo; Ofociano Manalo, President ng Confederation of Irrigators Association sa Region 1 at Rosendo So ng SINAG.

MAKATATANGGAP ng pabuya ang sino mang tetestigo o magpapatunay na si David Tan at David Bangayan ay iisang tao lamang, ang tinutukoy na nasa likod ng malaking rice smuggling sa bansa.

Ito ang P55,000 halaga mula sa piso-piso na pinag-ambagan ng mga miyembro ng Confederation of Irrigators Association mula sa Region 1.

Ayon kay Ofociano Manalo, Pangulo ng sama-han, ang naturang pondo ay kanilang nilikom upang gamitin bilang reward mo-ney sa sino mang maglalakas loob na tumestigo laban sa rice smuggling at iba pang illegal smuggling ng agricultural products hanggang tuluyang maparusahan ang mga nasa likod nito, na nagpapabagsak sa industriya ng agrikultura.

Tiniyak ni Manalo na maaaring madagdagan ang naturang halaga dahil sa kanilang patuloy na panganga-lap ng piso-piso laban sa illegal smuggling ng bigas.

Sinabi ni Senadora Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture, sumugod ang grupo sa Senado para ipakita na nais nila ng hustisya at nais labanan o sugpuin ang rice smuggling at iba pang uri ng smuggling sa bansa na lubhang nakaaapekto sa mga magsasaka.

(NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *