Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Destabilization plot vs PNoy pantakip sa PDAF scam?

NAGPAPUTOK ngunit supot ang mga pinakawalang salita kahapon ni Sen. Bong “Pogi” Revilla laban sa administrasyong Aquino. Sa halip na tuwiran at lantarang pabulaanan ang mga bintang na “narumihan ang mga kamay niya ng pork funds.” ‘E tumira ng upper cut ang anak ni Agimat. Inilahad niya na kinausap siya ni PNoy para idiin si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na noo’y dumaraan sa proseso ng impeachment. Inarbor daw sa kanya ng pangulo ang ulo ni Corona. Well, tulad ng  ginawa ni Sen. Jinggoy “Sexy” Estrada na nagbulgar ng pamimigay umano ng Disbursement Acceleration Program funds sa mga senador kapalit ng pagpapatalsik kay Corona, ang ginamit na estratehiya ni Revilla. Putting the heat somewhere else ang tawag sa diskarteng ito. Kapag  mainit ka, ipasa mo sa iba ang init ng ulo mo lalo na’t BUKING na BUKING na ang kasalanan.

Si Jinggoy at Revilla ay kasama ni Sen. Juan Ponce Enrile sa kasong plunder na isinampa ng DOJ kaugnay ng P10 billion PDAF scam. And, mind you, mga kanayon, ekspert sila sa mga DEMOLITION JOB.

Kaya sa aking pananaw, tila sadyang pinalalaki ang mga issue laban sa adminsitrasyon dahil ito lamang ang tanging paraan para malusutan nilang lahat ang kaso. Malay nga ba naman natin kung sakaling mapalitan si PNoy at kakampi nila ang maupo ‘e di sa malamang na LUTUIN ang kaso!

Matagal-tagal na rin tayong hindi nakaririnig ng DESTAB PLOT at malamang heto na naman ang pagkakataong ‘yun. Paguguluhin at palalakihin lalo ang mga samo’t saring issue na kinakaharap ng pamahalaan at ng kung sino ang  nakaupo. Tama ba, Sen. Bong?

E, teka, bakit sabi po ninyo pineke ang inyong pirma sa mga dokumento ng nagbibigay ng PDAF sa NGOs ni Napoles samantala may liham pala kayo sa Commission on Audit (COA) dalawang taon na ang nakareraan na KINOMPIRMA ninyo na authentic ang inyong lagda?

Nasaan ang DORGERY doon, aber?

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …