Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 ex-GF ni mister madalas sa dream

To senor interpret,

Plz paksagot sna pu agad,kung puwed s txt, plz lang, kung d puwede, wait ku s inyo daryo, bsta sna asap pu, ksi nag aaalala aku dhil mdlas ku nppnaginipan ung 2 ex gf ng mster  ku, d ku alam kng bkit kya pakiusp ku, sna ay mabsa ku pu ang sgot s daryo nu.. slmat, aku pu c rodie..

To Rodie,

Ang iyong bungang-tulog ay nagpapakita nang kasalukuyang lagay ng relasyon ninyo ng iyong asawa. Maaaring ito’y dahil sa ikaw ay sobra kung magselos o kaya naman, talagang malapit sa babae ang asawa mo.  Alinman sa dalawa ang rason, dapat na mag-usap kayo nang maayos at mahinahon upang magkaintindihan at upang mapawi ang iyong mga agam-agam.  Sabihin mo sa kanya ang mga alalahanin at nararamdaman mo hinggil sa inyong relasyon. Sa kabilang banda, kung siya naman ay walang ginagawang masama, nasa iyo ang problema. Ibig sabihin ay masyado kang selosa at insecure. Dapat mong tandaan na ang isa sa mahalagang pundasyon ng matatag na relasyon ay trust o tiwala. Dapat, kung wala ka namang nakikitang dahilan para magsuspetsa o magselos, huwag ka nang mag-isip ng masama sa iyong mister. Ang selos ay nagsisilbing anay upang maging mabuway ang inyong relasyon kaya alisin ito sa iyong sistema. At sakaling magseselos ka man, dapat ay iyong nasa lugar lang at may basehan ka maliban sa supetsa lang. Good luck sa inyo at God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …