SA PINAKAHULING pagpapakita ng ehemplo ay hinangaan natin si Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City.
Mismong sariling anak na nahuli sa kasong ‘SPEEDING’ ay hindi nakaligtas sa mahigpit na pagpapatupad ng batas ng Alkalde.
Sana ay ganyan ka-CONSISTENT sa pagpapatupad ng batas ang mga halal na pinuno ng bawat local government units (LGUs).
Hindi hamak na mas maganda ang ipinakitang ehemplo ni Mayor Duterte bilang LGU chief kaysa doon sa isang mayor sa Metro Manila na nang hindi makapasok at makadaan sa isang subdivision ay biglang napunta sa presinto ang mga gwardiya.
Marami nang paglilinaw ang ginawa ng kampo ni Metro Manila mayor pero maraming butas ang paliwanag. Bukod pa sa nai-upload sa social networking site ang insidente.
Alam natin maraming batikos din ang natatanggap ng mga Duterte dahil marahil ay maraming natatamaan sa mahigpit nilang pagpapatupad ng batas.
Pero ang gusto natin bigyang-diin dito, kapag sila mismo ang nagkakamali ay hindi sila exempted sa pagpapatupad ng batas.
Gaya nga nang magkaroon ng traffic violation ang kanyang anak na si Sarah Duterte.
Sino kayang may ‘BAYAG’ na LGU official sa Metro Manila ang kayang pamarisan ang ginawa ni Duterte?
Wish lang natin n asana ay dumami pa ang mga gaya ni Duterte sa LGU.
Mabuhay ka Mayor!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com