AMINADO si Solenn Heussaf na she’s a free spirit. Kaya nga gumagawa rin siya ng kanyang buckey list at ang nasa listahan niya eh pawang may kinalaman sa pagta-travel.
Nakausap namin si Solenn sa presscon ng mapapanood na sa mga SM Cinema sa January 22, ang Mumbai Love ng Capestone Pictures.
Nag-shoot kasi sa Mumbai, India ang cast with Kiko Matos na leading man ni Solenn.
Dahil nga raw siguro fashion designing din ang kursong kinuha niya kaya noong nasa Mumbai sila, she not only enjoyed the rich culture but she had a blast seeing the different fabrics na very colorful daw.
“I will definitely go back to India kasi one part lang nito ang nakita ko. My bucket list has things I want to do before I die. Morbid ba? My top three destinations are Morocco, Kenya and Greece. At least one new country every year.”
Very accomodating din with that interview si Solenn and she shared with us pa nga her Argentina Love!
“Three years na kami. And we’re living together na for two years. So, it’a not true na we broke up na. We just came from Argentina nga. Then I will fly to Japan for work. He’s based here na dahil nandito ang work niya that has something to do with agri-business ganyan.”
So, when do they plan to tie the knot?
“We talk about it naman. Though noon, gusto namin beach wedding. We
want the outdoors kasi. Kaya lang marami na ang nag-beach wedding kaya baka sa bundok naman kami. And I found na the perfect place, sa Brittany in France. Malapit na siya in England. How soon we dunno yet. Dati sabi mo at this age. It came tapos another age uli. Honeymoon will be in Africa. I sooo love the great outdoors.”
Bagay sila ni Kiko in this project. Kung may kissing scenes na bonggang-bongga, isa raw ‘yun sa aabangan sa Mumbai Love!
Magkakapatid na nagkahiwa-hiwalay, tampok sa MMK
TUNGKOL sa magkakapatid na pinaghiwa-hiwalay ng tadhana ang istorya ng limang Indino Siblings.
Ano ang naging kapalit ng pagkamuhi ng magkakapatid sa kanilang mga magulang sa nasabing pangyayari?
Nagsimulang maganda ang kanilang pagsasama-sama pero nagbiro ang tadhana at ito ang istoryang ibabahagi ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Enero 18 na tatampukan nina Sharlene San Pedro, Maliksi Morales, John Manalo, Daisy Reyes, Cris Villanueva, at Aiko Melendez. Sa direksiyon ni Raz dela Torre.
Pilar Mateo