Thursday , January 9 2025

Runner ng shabu nilikida ng bebot

PATAY ang isang  41-anyos runner  ng shabu, matapos  pagbabarilin ng isang bebot na angkas ng motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Danilo Gabrido, alyas Pango, ng Brgy. Longos ng lungsod, sanhi ng apat na tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib at mukha.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng mga awtoridad laban sa mga suspek, sakay ng itim na Honda Mio, tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa, nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa Gen. Borromeo St., sa nasabing barangay.

Sa salaysay ng kinakasama ng biktimang si Josephine Nasareta, 50-anyos, naglalaba siya sa tapat ng bahay at nasa likuran niya ang biktima, nang dumaan ang motorsiklo  na minamaneho ng isang lalaki at angkas ang isang babae na kapwa nakasuot ng helmet at itim na jacket.

Pagtapat ng rider-in-tandem sa biktima, apat na putok ng baril ang pinakawalan ng angkas na bebot dahilan upang tumimbuwang si Gabrido.

Aminado ang kinakasama ng biktima na ilegal ang trabaho ni Gabrido kaya hinala ng pulisya na may kinalaman dito ang motibo ng pamamaslang.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *