Monday , December 23 2024

Pinas paborito na rin ng mga banyagang malilibog

PANG-INTERNATIONAL talaga ang appeal ng Pinas. Hindi lang pala mga Mexcian, Chinese at African drug cartel ang naeengganyang magnegosyo rito kundi pati na rin ang MAHAHALAY at MALALASWANG banyaga.

Kung kailan lang kasi, at nakakahiya na naungusan ang inutil na Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), ni-raid ng United Kingdom at US agents ang ilang cybersex den sa Cebu. Ang mga nasabing mga lugar ay nagbebenta ng panandaliang aliw sa mga taga-iba-yong lupa sa pamamagitan ng Internet. Ang modus nila, mga kanayon, ay pagagawain ng malalaswang bagay ang mga batang kababaihan at kalalakihan sa harap ng webcam. Mapapanood lamang ito sa pamamagitan ng tinatawag na LIVE STREAMING ng mga magbabayad ng dolyar. Karamihan sa mga parokyano ng malaswang negosyong ito ay mga nasa abroad na pumapantasya sa kabataan. Kasama rito ang mga pedophile na bumibiktima sa mga batang walang makain at walang hanapbuhay ang mga magulang.

Hindi lamang sa Cebu palasak ang ganitong ilegal na gawain. S totoo lang, nagkalat na sa iba’t ibang lupalop ng Pinas. Mula Norte hanggang Hilagang Pilipinas ay pihadong maraming ganitong operasyon na sa kasamaang palad ay hindi naman namo-monitor ng IACAT at iba pang law enforcement agency.

Nakahihiya nga na mga banyagang awtoridad pa ang nakabunyag sa cybersex den sa Cebu na ilang menor de edad ang nailigtas.

Teka, bakit nga ba wala ang IACAT doon? Sa palagay ko kasi, busy sila sa kababantay sa mga mamahaling club lalo na diyan sa Quezon City. Karaniwang target kasi ng mga uluktong ng IACAT ang mga naglalakihang club na kanilang nire-raid at pagkatapos ay pakakawalan lang din naman ang mga involved. Pero hindi naman lahat. Mayron din namang mga kasong itinuluyan ng IACAT ang mga sangkot lalo na kapag may nahuling menor de edad.

Pero ang HUMAN TRAFFICKING ba ay li-mitado lamang sa mga minor? O baka naman palusot na lang para magkaareglohan. Kung walang makitang menor de edad, walang kaso? Well, kanya-kanyang interpretasyon ‘yan. Tama po ba, Sec. Leila De Lima?

Ang pagkakaintindi ko kasi sa Human Trafficking ay ang pangangalakal sa isang tao lalo na sa kababaihan. Halos pagbebenta na ito ng laman ng may laman. Maaaring puwersahan at maaari rin naman dala ng kahirapan. Kung ano man ang dahilan, gobyerno lamang din naman ang makareresolba nito.

Palagay ko panahon na para paigtingin ang kampanya laban sa pornograpiya, trafficking, prostitution at iba pa. ‘Wag lang sa mga bulgar na club mag-focus dapat ang IACAT. Simulan n’yo na rin mag-hunting sa Internet total may cybercrime division naman ang NBI.

Malay ninyo, baka cybersex den na rin ang kapitbahay ninyo.

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *