Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash at Alexa, susubukin ang pagkakaibigan

MUKHANG susubukin ang tatag ng pagkakaibigan ng mga karakter nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong gabi (Sabado) sa pagpapatuloy ng kanilang month-long Wansapanataym special na pinamagatang Enchanted House.

Sa kabila ng kanilang magandang samahan, mapipilitan si Philip (Nash) na iwasan at layuan si Alice (Alexa) dahil sa utos ng kanyang ina na si Dorothy (Ara Mina).

Tuluyan na bang masisira ang relasyon nina Philip at Alice dahil sa mapait na nakaraan ng kanilang mga magulang o maipaglalaban pa ba nila ang kanilang pagkakaibigan?

Kasama rin sa Enchanted House sina Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian mula sa panulat ni Reggie Amigo at direksiyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng ‘enchanting’ fairy tale nina Nash at Alexa ngayong gabi sa pinakabagong month-long special ng 2013 Anak TV Seal Awardee Wansapanataym, pagkatapos ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …