Monday , December 23 2024

Iniresetang gamot, may buwis?!

MALUNGKOT ang nakaraang Pasko para kay Leopoldo “Paul” Estrada, isang 58-anyos na balikbayan mula sa Mountain View, California sa Amerika. Dahil sa mga taong nangasiwa sa kanyang package sa Federal Express (FedEx) Philippines.

Si Paul ay isang registered nurse na nagretiro mula sa El Camino Hospital sa Mountain View dahil sa pagkakasakit. Bumalik siya sa ‘Pinas noong Agosto, isang buwan  matapos siyang operahan sa leeg at likod sa Amerika.

Nakatira na ngayon sa kanyang ancestral home sa Baguio City, kailangan niya ang post operation medicines bukod pa sa gamot niyang maintenance para sa diabetes, nerbiyos, alta-presyon at mataas na cholesterol.

Halos isang buwan na ang nakalipas nang ipadala sa kanya ng mga kamag-anak niya sa California  ang isang package ng mga inirese-tang gamot na ipinadala ng pharmacy sa kanyang bahay sa Mountain View. Libre ang nasa-bing mga gamot dahil sa kanyang medical insu-rance mula sa State of California at County of Santa Clara.

Isang araw bago mag-Pasko ay tinawagan si Paul ng isang Catherine de Guzman, FedEx Customs Clearance Support Representative, at sinabing kailangan niyang magbayad ng mahigit P20,000 na Customs duties at taxes para makuha niya ang kanyang package.

Sinabihan din ni Ms. De Guzman ang pinsan ni Paul na si Danilo Estrada, na nagpadala sa Pilipinas ng nasabing package at nagtatrabaho sa FedEx sa California.

Parehong nagulat sina Paul at Danilo dahil alam nilang tax-free ang nasabing package ng mga gamot dahil personal naman ang gamit.

Disyembre 26 nang sa pamamagitan ni Ms. De Guzman ay nag-email si Paul kay Customs Special Deputy Collector Al Fernandez ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs House, at humiling na i-waive na lang ng huli ang mga buwis ng kanyang package.

Enero 6 nang nag-email si Ms. De Guzman kay Paul para sabihin ang isang masamang ba-lita: Tinanggihan ng Customs ang hiling na huwag nang buwisan ang mga gamot ni Paul. Kaya naman agad na nagpatulong sa Firing Line ang balikbayan.

Nang kausapin sa telepono, sinabi sa akin ni Mr. Fernandez na bago pa niya natanggap ang request ni Paul noong Enero 2 ay nabayaran na ng FedEx ang mga buwis ng package sa bisa ng auto-debit agreement ng FedEx at Customs.

“So it is not true that I denied Mr. Estrada’s request for a waiver on taxes. How can I deny something that is already out of Customs’ jurisdiction?” sinabi ni Collector Fernandez sa kolum na ito.

Nang kausapin ko si Ms. De Guzman nang araw din na ‘yun, parang nasorpresa pa siya nang malaman na binayaran na ng kanilang kom-panya ang mga buwis. Sinabi niyang kukumpirmahin niya sa kanyang mga superior—sina Jorge Quimzon at Delfin Baloloy—ang pahayag ni Collector Fernandez at tatawagan niya ako para sa paglilinaw. Pero hindi niya ito ginawa.

Enero 10 nang mag-email si Ms. De Guzman sa magpinsang sina Paul at Danilo at nag-follow up sa desisyon kung sino ang magbaba-yad sa mga buwis ng package. “Please be reminded that the shipment will be abandoned on January 21, 2014 if failed to submit to Customs.”

Malinaw na sinasabi ng FedEx na nagsinu-ngaling si Collector Fernandez; na nasa Customs pa rin ang package. Sa kabilang banda, sinabi ni Fernandez na nabayaran na ng FedEx ang  mga  buwis ng package at wala sa pag-iingat ng Customs.

Sino ngayon ang nagsasabi ng totoo?

Sa gitna ng kaguluhang ito, si Paul ang nagdurusa. Hindi niya magamit ang kanyang maintenance medicines. Sa malas, ang mga vial ng insulin, na dapat ay nanatiling refrigerated, ay tiyak na hindi na niya mapakikinabangan.

Inamin ni Fernandez na tax-free talaga ang mga gamot ni Paul. Pero ang problema ay nasa form na isinumite sa Customs na nagdedetalye sa halaga ng mga gamot na hindi rin tinukoy bilang “personal use.”

Sinabi niyang ibinabase ng customs examiners at appraisers ang kanilang computation sa kung ano ang idineklara sa shipment forms. Hindi nila binubuksan ang alinmang package maliban na lang kung may natukoy ang X-ray scan na kahina-hinala sa loob nito.

Ang nagpa-komplikado sa kaso ni Paul ay ang sinasabing pagbabayad ng FedEx ng duties at taxes nang walang permiso mula kina Paul o Danilo.

Ngayon, binabalite ng FedEx ang mga braso ni Paul—babayaran niya ang mga buwis ng package o tuluyan na niyang hindi makukuha ang kanyang mga gamot. Ano’ng tawag dito? Simpleng blackmail.

Kung ako si Paul, idedemanda ko ang courier service. Dapat din na sitahin ni Fernandez ang FedEx sa paninisi sa Customs sa kalokohang ito.

Ang tanging makatao na magagawa ng FedEx ay ang ibigay kay Paul ang kanyang mga gamot para mapahaba ang kanyang buhay.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *