Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imahe ng mga bombay, babaguhan ng Mumbai Love (Hindi lang daw sila ‘yung kilalang nagpapa-utang ng 5-6)

BILIB kami sa lakas ng loob ng producer ng pelikulang Mumbai Love na tumatalakay sa love story ng isang Pinay at Indian dahil iilang artista lang ang kilala sa cast, sina Jayson Gainza, Kiko Matos, Martin Escudero, Raymond Bagatsing, at Solenn Heussaff na sinuportahan naman nina Jun Sabayton, Romy Daryani at iba pa.

Ang baguhang producer na si Niel Jeswani na may-ari ng Capestone Pictures ang isang Indian na sa Pilipinas ipinanganak at aminadong mahirap mag-produce ng pelikula lalo’t hindi naman siya kilala pa sa industriya.

Pero dahil fan siya ng romantic comedy movies ay kinausap niya ang kaibigang direktor at writer na si Benito Baustista na gusto niyang mag-produce ng pelikula.

Sa madaling salita ay nabuo ang Mumbai Love at dahil Indian national si Niel kaya gusto niyang i-share sa manonood kung paano naman manligaw at magmahal ang katulad niya.

Nagkabiruan pa nga sa presscon dahil ang pagkakakilala lang daw kasi ng mga Filipino sa mga Bombay ay nagpapautang ng 5-6 at araw-araw kang sisingilin bukod pa sa may mga hindi magagandang imaheng nabuo sa mga bata.

“Kasi noong araw, ang mga magulang kapag hindi mapasunod ang mga anak, ipinananakot, ‘sige ka, kukunin ka ng bumbay, gagawin kang pagkain.’

At sa pamamagitan ng Mumbai Love, sana ay mabago ang imahe ng mga Bombay sa mga Pinoy.

Ipinagtanggol ni Niel ang mga Indian dahil, “kaya po kami masarap magmahal at hinahabol din ng mga babae, remember, sa amin po nagsimula ang Kamasutra (iba’t ibang posisyon ng pagtatalik).

Base sa trailer na ipinakita sa presscon ng Mumbai Love ay walang bago sa kuwento ng dalawang taong nag-iibigan sabi nga, gasgas na.

Ang paliwanag naman ng direktor/writer na si Bautista, “love stories na naikuwento na a million times over, but bumabalik tayo roon kasi ito ‘yung familiar sa atin. It’s always a chance meeting. Everyone has a story about a chance meeting, ‘yung kanilang partner and that’s basically, what it is.

“Ang difference lang nito ay ‘Mumbai Love Story’, in this generation, if you love travelling, mapo-fall in love ka possibly sa city, sa culture and sa foreigner na makikilala mo and vice versa. Ang conflict kung bound ka to fall in love with different culture, so ginawan namin ng magic na Indian love story and that way, we can express arguments for society.”

Optimistic naman ang producer na si Niel na maraming curious sa kuwento at hoping na masundan ulit itong pagpo-produce niya dahil love niya talaga ang pelikulang Pinoy.

Samantala, mapapanood ang Mumbai Love sa Enero 22 nationwide mula sa Capestone Pictures at Solar Entertainment Corporation.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …