Monday , December 23 2024

‘David Tan’ hindi pa lusot

HINDI pa rin makahihinga nang maluwag ang negosyanteng si Davidson Bangayan dahil naninindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na siya ang sinasabing hari ng rice smuggling na si “David Tan.”

Lumutang si Bangayan kamakailan sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) para linisin daw ang kanyang pangalan at itinanggi na siya ang smuggler ng bigas na si David Tan.

Hinuli siya ng NBI batay sa arrest warrant na inisyu ng korte laban sa isang “David Tan” na kinasuhan sa pagnanakaw ng kuryente.

Pero wala ring nagawa ang NBI kundi pakawalan si Bangayan dahil iginiit ng kanyang abogado na hindi siya ang David Tan na nakasaad sa warrant.

Sa totoo lang, naguguluhan si Justice Sec. Leila de Lima sa mga salitang nakalagay sa arrest warrant. Ngayon lang daw siya nakakita ng arrest warrant na ang korte ang nagki-clear sa suspek. Imbes na sabihin na “alias” or “also known as David Tan,” akalain ninyong ang sinabi raw ay “who is not Davidson Bangayan.”  Sa warrant ay tinanggalan na siya ng pananagutan.

Ayon pa kay De Lima, bago raw arestuhin si Bangayan ay may source na positibong kumilala rito. May statement daw mula sa pangulo ng isa sa mga kooperatiba na nag-aangkat ng bigas. Pinakitaan daw ito ng larawan ni Bangayan at kinumpirmang siya si David Tan. Ibinahagi rin daw nito ang ibang aktibidad at transaksyon ni Davidson Bangayan alyas David Tan. At ang address daw ni Bangayan ay ang mismong address ni David Tan na nakasaad sa arrest warrant.

Pumunta ang mga ahente ng NBI sa korte ng Caloocan na nag-isyu ng warrant noong 2010 para makita ang records ng kaso at malaman kung bakit ganu’n ang nakasaad sa warrant.

Mantakin ninyong hindi pinasilip sa kanila ang records dahil hindi raw sila “parties to the case.” Kukuwestyonin ito ni De Lima dahil bilang mga opisyal ng batas ay tungkulin daw ng NBI na ipatupad ang arrest warrant.

Inatasan na niya ang NBI na kumalap ng karagdagang ebidensya sa imbestigasyon kaya hindi pa rin tuluyang lusot si Bangayan sa kaso.

Ano kaya ang gagawin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na humahanting kay David Tan, mga mare at pare ko, ngayong lumutang na si Davidson Bangayan na ayon sa NBI ay walang iba kundi ang hinahanp niyang rice smuggler?

Abangan!

***

NANG biglaang mag-inspeksyon si Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) Chairman Francis Tolentino at ang kanyang mga tauhan sa Southwest Integrated Provincial Transport Terminal (SIPTT) ay nabuko ang pagdodroga ng ilang provincial bus drivers.

Napuna nina Tolentino ang isang nakaparadang bus na lumalabag sa utos nila sa paggamit ng kurtina at tinted na bintana. Nang tangkain nilang pasukin ang bus ay nagpulasan ang ilang lalaki na nagpa-pot session sa loob at nahuli ng mga pulis ang isang dating driver.

Patunay lang ito na nagdodroga ang ilang tsuper ng bus. Dapat isailalim sa regular na drug test ang mga bus driver, mga mare at pare ko, para matiyak na hindi sila bangag sa trabaho.

Hindi puwedeng ipagkatiwala ang buhay at kaligtasan ng mga pasahero sa mga adik na tsuper.

Pakinggan!

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *