NAKATAKAS na ang signal number 1 sa walong lugar sa Mindanao matapos mabuo ang low pressure area (LPA) bilang kauna-unahang bagyo para sa taon 2014.
Kabilang sa mga lugar na nasa unang babala ng bagyo ang Surigao del Norte, Siargao Is., Surigao del Sur, Dinagat Province, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental at Compostella Valley.
Huling namataan ang bagyong Agaton sa layong 260 km timog silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 130 km hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos lamang ito sa bilis na limang kilometro kada oras, habang patungo sa timog kanlurang direksyon.