Thursday , January 9 2025

Anak patay sa sumpak ni erpat

NAHAHARAP sa kasong parricide ang isang ama nang aksidenteng pumutok ang sumpak na pinag-aagawan nila kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Patay na nang idating sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Danilo Ville, 21, ng 49-B Camachile St., Western Bicutan, dahil sa tama ng bala ng sumpak sa kaliwang dibdib.

Agad naaresto ng nagrespondeng opisyal ng barangay ang ama ng biktimang si Dionidio Ville, 51, nagtangkang tumakas at nagpalit ng damit makaraan ang insidente.

Sa report na tinanggap ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis, dakong 12:45 ng hatinggabi nang mangyari ang insidente habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang kapatid na si Diocer at mga kaibigan sa Lanting St., Barangay Western Bicutan.

Lumabas ng bahay ang ama ng biktima at sinabihan ang grupo na tigilan na ang pag-iinuman dahil nakabubulahaw ang kanilang pag-iingay sa mga kapitbahay.

Ang paninita ng matandang Ville sa anak ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang kunin ng suspek ang kanyang sumpak at tinangkang itutok sa kanyang anak.

Sinunggaban ng biktima ang sumpak na hawak ng kanyang ama, pero sa kanilang pag-aagawan, pumutok ang sumpak  at tumama sa dibdib ng biktima ang bala na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *