Friday , November 15 2024

480B target collection ng BoC, ilusyon nga ba?

HINDI man natawa ang ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, napataas naman ang mga kilay nito sa figures na ipinahayag nina Department of Finance (DoF) Secretary Cesar Purisima at Customs Commissioner John Phillip Sevilla na posibleng umabot sa 480 bilyong piso ang makokolekta ng kanilang tanggapan para sa kabuuan ng 2014.

Ipinahayag ito nila Purisima at Sevilla sa pagpupulong ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) nitong nagdaang Disyembre 18, 2013.

Mismong si House Speaker Feliciano Belmonte ang nagsabing masyadong ambisyoso ang target collection ng BoC ngunit base sa leakage na nadiskubre sa Aduana, sapat-sapat ito to cover for the short fall.

Walang ibang masisisi dito si Pangulong Aquino sakaling hindi makamit ang inaasahang BOC revenue collection target kundi si Finance Secretary Cesar Purisima na pinagkalooban ni Aquino ng lahat ng karapatan para maglagay ng mga tao nya sa Bureau of Customs sa isang balasahang naganap bago pumasok ang bagong taon.

Akala siguro ni Purisima, hindi ito makikita ng Kamara at ang buong expectations ay maipo-focus lamang kay Commissioner Sevilla na certified protegee ng Finance Secretary.

Para sa inyong lingkod, lubhang napaka-imposibleng makamit ang ng BoC ang target collection na kulang-kulang sa 500 bilyong piso considering na dalawang taon na lamang at presidential elections na naman.

Alam naman ng sambayanang Pilipino na nagmumula sa Aduana ang malaking bloke ng campaign funds na ginagamit ng mga kandidato tuwing mag-eeleksyon.

Si Purisima, kundi man tumakbo bilang kandidato sa darating na 2016 presidential elections ay isang miyembro ng ruling Liberal Party  (LP) na tiyak namang maglalagay ng panlabang “manok” sa presidential race.

May obligasyon si Purisima na tumulong sa pangangalap ng campaign funds para sa mga kandidato ng kanyang partido.

Saan naman kaya mangangalap ng pondo para sa eleksyon ang Kalihim ng DoF?

Your guess is as wild as mine!

Baka kasi sa mga katulad ni DAVID “ Bata” TAN at DANNY NGO magmula ang malaking bulto ng campaign contributions ng Liberal Party na bumubuo sa kasalukuyang administrasyon?

In short, malamang na makompromiso ang target tax collections sa Aduana, hindi po kaya bayan?

Lohikal lamang po dear readers ang ating inihahayag dito sa atin pitak na lubhang napakalapit sa katotohanan.

Hindi naman tanga ang sambayanang Pilipino. Ika nga sa wikang Ingles, what are we in power for!

Kasabihang kabisadong-kabisado ng halos lahat ng miyembro ng Partido Liberal.Ilan ba sa miyembro ng Gabinete ni PNoy ang kasapi ng LP?

Isa na dito si DILG Secretary Mar Roxas na isang presidential wannabe for 2016, Purisima, Budget Secretary Butch Abad and so forth and so on.

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “Target On Air’ Monday/Friday 2-3 pm, mag-txt sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *