Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rose “Osang” Fostanes, 1st X Factor Israel winner (Proud to be Pinoy… )

HINDI makapaniwala ang 46-year-old Caregiver na si Rose “Osang” Fostanes na siya ang magwawagi sa 1st X Factor Israel na ginanap sa Tel Aviv, Israel noong January 14. Inawit ni Osang ang My Way, na iconic song ni Frank Sinatra.

Speechless si Osang nang tanungin ng host  kung ano ang masasabi niya sa pagwawagi, “I`m Speechless !” anito na kitang-kita ang pagkabigla nang i-announce ng host ng Israel X Factor na si supermodel Bar Refaeli na siya ang nanalo.

Natulala for a while at nahimasmasan na lang si Osang nang lapitan ng host at tanungin. Puro pasasalamat ang nasabi nito.

Ilan sa mga katagang binitawan ni Rose ang, “I don`t know , I cannot say anything !

“Thank you very much to those people who voted for me, who believes in me!

“Thank you very much to all the Israelis who likes my voice, who like my songs, and to all the Filipino who supports me , thank you so much!

“Thank you so much to our ambassador  (Generoso D. G. Calonge ) who came here to witness and to my sister and to my partner (Melinda).”

Veryproud na proud naman ang mentor nito na si Shiri  at sinabing, “ I Love You Rose, I`m Proud of You!

June, proud na makasama sa Dyesebel

SA pag-arte na raw tututok ngayong 2014 ang  Mr. Manhunt International 2012 at image model ng New Placenta for men na si June Macasaet. At sa pagpasok nito bilang isa sa cast ng Dyesebelng ABS-CBN ay hindi nito itinago ang paghanga kay Anne Curtis.

Kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan niya nang mapasama sa Dyesebel bilang isa sa Merman na makakasama ni Anne.

“Happy ako kasi makakasama ko si Anne. Bale isa ako sa Merman na makakasama ni Anne, kami ‘yung good Merman, tapos mayroon ding mga bad Merman.”

Nagpapasalamat din ito kay Jaime Acosta, CEO/President ng Psalmstre dahil maraming raket ang ibinigay sa kanya bilang image model ng New Placenta for men na halos nalibot na raw nito ang buong Pilipinas dahil sa pagiging image model ng naturang sabon.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …