HUMAHATAW si Robin Nievera at may sarili siyang career na hindi umaasa sa magulang niya—ang Concert Queen na si Pops Fernandez at ang Concert King na si Martin Nievera.
Humarap siya sa press para sa kanyang concert sa The Crowd Bar and Restaurant sa 2nd floor ng Madison Square, Pioneer St. Mandaluyong City dahil ngayong araw, January 16 ay magkakaroon siya ng concert.
Sinabi ni Robin na magkaibang-magkaiba ang tipo ng awitin nilang mag-ama. Kung ballad si Martin, siya naman ay rock. Bagamat kung pakikinggan mo ang boses nilang mag-ama ay magkapareho, hindi raw kaya ni Robin ang mataas at birit na kanta ng kanyang ama.
Samantala, kagabi ay napanood ang birthday concert ng lead vocalist ng Side A band na si Joey Generoso sa The Crowd. Tuwing Huwebes regular ding napapanood dito ang Jeremiah at ‘pag Friday naman ay naka-set ang The Crowd Diva na si Laarni Lozada, at ang entertainment Director na si Richard Villanueva.
Ang The Crowd ay pagmamay-ari ng concert at indie movie produ na si Cora Rodrigo ng Goldmine Production katuwang sina Pia Espedio, Zaldy Carpeso, Cris Roxas, at Gene Sison. Puntahan na rin ito ng mga celebrity gaya nina Vice Ganda, Pops Fernandez, Tereza Loyzaga, at Vivian Velez.
Talbog!
Roldan Castro