Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Mission Impossible’ sa Port of Cebu

SA KABILA ng panlulupaypay ng “players” sa Port of Cebu ng Bureau of Customs sanhi ng sobrang kahigpitan at kabagalan ng pagproseso ay nagsisilbing matinding dagok ang itinokang collection target sa unang buwan ng Year of the Wood Horse na umabot sa P997-MILYON.

Nitong Enero 13 nga lang ay nakakolekta lamang ng kabuuang P474,350,549 ang Port of Cebu sa ilalim ng bagong pamumuno ni retired Brig. Gen. Roberto T. Almadin bilang district collector.

Patuloy pa rin inirereklamo ng “players” ang sobrang kahigpitan kung kaya tumatagal ang kanilang transaksyon sa Aduana sa Sugbo. Nananatiling nakatiwangwang ang mga posisyon ng mga hepe ng Port Inspection Division (PID), Entry Processing Unit (EPU), at Assessment Division na nagbibigay ng kalitohan at pagkadesmaya ng transacting public.

Taliwas ito sa bilis ng “trade facilitation” na pinauso noon ni Atty. Lourdes Mangaoang na dating district collector at sinundan nina Ricardo “Boysie” Belmonte at Atty. Ronnie Silvestre, at maging ng maiksing panunungkulan bilang OIC district collector ni Atty. Paul S. Alcazaren, na parehong laging nalalampasan ang kanilang mga collection target.

Kunsabagay ay bago pa lamang sa kanyang posisyon si General Almadin na mas nahasa sa tinatawag ng mga Cebuano na “panggubatan” (larangan ng digmaan) bilang magiting na sundalo at opisyal.

Tahimik nga lang si General Almadin ngunit wika nga ay matinik na sanggang-dikit naman ni Maj. Camilo “Bong” Cascolan, Jr., na siyang hepe ng customs police sa Port of Cebu dahil pareho silang mayroong “military background.”

Ayon sa ating bubuyog, hindi mahilig sa publicity si General Almadin kung kaya hindi niya ipinaalam sa media ang kanyang kusang-loob na pagtulong sa mga biktima ng superbagyong “Yolanda” sa mga bayan ng Tabogon, San Remigio, at Medellin sa northern Cebu na maraming mga bahay ang nawasak.

Ngunit kung maaabot ang collection target ngayon buwan ng Enero ay MISSION IMPOSSIBLE ito para kay General Almadin na sinasabing napakahusay sa “counter-terrorism strategies” noong siya ay nasa militar pa.

Hindi naman daw “militarization” ang nangyayari ngayon sa Bureau of Customs, bagama’t maraming mga negosyante at importers ang umaangal sa kapraningan, este, daming tseteseburetse sa mga transaksyon.

Harinawa ay maaabot pa rin ng Port of Cebu – kahit ‘di malampasan gaya dati – ang collection target ngayong Enero lalo na’t Chinese New Year sa Enero 31 na ikalimang kaarawan din ni Star, ang aking nag-iisang anak na babae.

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …