Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilalampaso ni Anne Curtis ang katapat ng “Dyesebel” sa kalabang network (Mabuhay ka Rose “Osang” Fostanes!)

NGAYON palang ay sinasabi na nating  kakain ng alikabok ang sinomang itatapat na teleserye ng kalabang network sa pinaka-bonggasyus, ambisyus, fabulosa, fantastika at kung anik-anik pang superlative adjective that fits to an A-1 teevee series on Philippine television.

Of course, Virginia, ang tinutukoy natin ang klasikong obra ni Mars Ravelo, ang “Dyesebel,” na ilang-ulit-nang-isinabuhay ng iba’t ibang personalidad—local man at dayuhang nagtangkang pasukin ang showbiz.

Oh, laban ka, Virgilio G., ng Malolos, Bulacan, iba talaga ang “utak” ng mga taga-ABS-CBN at ng Viva Bosses, kung pa’no nila ilalatag ang kanilang very effective damage control scheme, matapos ang pagtataray (ikaw ba naman ang i-provoked!) ng pinaka-popular na product endorser this side  of Hollywood—no other than Anne Curtis.

Balitang, si “Dyesebel” pala ang itatapat sa kambal na sirena naman, ng kalabang network, na itatampok ang isang starlet na wala pa naman napatutunayan bilang solo lead sa isa man lang teleserye—ay isang malaking pagwawaldas ng puhunan. (‘Di bale hindi naman galing sa ating bulsa ang salaping mawawaldass kung sakali.)

Oo naman, marami ang humahanga sa kanyang singing prowess na ‘di naman ekstra-ordinaryo kung tutuusin.

Well, abangan nalang natin ang banggaan ni “Dyesebel” kontra kambal na “Dyesebel.”

***

Natawa ako sa isang kolum aytem ng isang katotong halatang berdaderong Noranian.

Kanyang kinokwestiyon ang Film Academy of the Philippines (FAP), sampu ng mga Guilds na nakapaloob dito, kung bakit hindi raw nila nabigyan ni isang citation o pagkilala ang pinakahuling pelikulang tampok ang nag-iisang superstar Nora Aunor na “Ang Kwento ni Mabuti” na dinirehe ni Mes de Guzman.

Banggit pa ng nagse-sentir na katoto, bias daw ang FAP dahil pulos mga pelikula ng Star Magic ang kanilang binigyan ng pagkilala para sa kanilang susunod na LUNA Awards, para sa mga natatanging  pelikula at pagganap noong nakaraang taon.

***

Maraming salamat sa isang Rose “Osang” Fostanes, na nagwaging Grand Champion ng “X-Factor Israel,” nitong madaling araw (oras sa Pinas) ng Miyerkoles. Pinahanga mo hindi lang ang taga-Israel kundi ang buong mundo sa larangan ng sining ng pag-awit at mismong mga hurado ay namangha sa iyong kakaibang paghagod at pagbibigay ng kakaibang rendisyon sa mga awiting pinasikat ng mga Lagy Gaga, Christina Aguilera, Whitney Houston at iba pang pamosong mang-aawit ng Hollywood.

Salamat, at iyong tinuldukan ang isang ‘kalokohan’ na nag-iwan ng stigma sa awiting “My Way,” dahil sa iyong bansang sinilangan, tinatakan itong nagiging sanhi ng madugong patayan sa ilang videoke bar na mayroong nag-aagawan sa nasabing awiting unang pinasikat ni Frank Sinatra.

Dahil sa iyong pagwawagi bilang kaunahang “X-Factor Israel” nalusaw ang sumpa na nakadikit sa awiting “My Way.”

Mabuhay ka Rose Fostanes! Karangalan ka ng bansang Pinas!

Art T. Tapalla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …