Monday , December 23 2024

Utol ng top cop tinaniman ng bala

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang kapa-tid ng hepe ng Mabalacat PNP matapos taniman ng bala ng riding in tandem sa McArthur Highway, San Vicente, Apalit, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dead on arrival sa JBL Hospital ang biktimang si Lyndon Perez, 47, ng Sitio Pag-asa, sanhi ng mga tama ng bala ng .45 kalibreng ba-ril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Kasalukuyang naka-burol sa Santiago ang bangkay ni Lyndon na kapatid ni Col. Ferdinand Perez, chief of police ng Mabalacat.

Batay sa rekord ng pulisya, kabilang sa watchlist ng municipal anti-drug abuse council si Perez at matagal nang mino-monitor ang kanyang mga modus.

Ayon naman sa ilang mamamayan, public knowledge ang pagka-kasangkot ng biktima sa illegal drugs ngunit ‘di nahuhuli ng mga kabaro ng kapatid niyang kernel.

Nabatid sa imbestigasyon, dakong 10:50 pm nang harangin ng mga suspek ang minamanehong Nissan Urvan (RGS-715) ng biktima at siya ay pinagbabaril.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *