GUSTO nating batiin ang National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Illegal Drug Task Force dahil sa magandang trabaho nila kamakalawa.
Isang bigtime drug syndicate na nag-o-operate sa Fort Bonifacio Global City na sinasabing sangkot sa Mexican drug cartel ang naaresto ng mga operatiba ng NBI sa isang condominium sa Taguig City.
Dalawang Canadian nationals at isang Pinoy ang naaresto ng mga operatiba ng NBI ng salakayin nila dakong madaling araw ang nasabing condominium.
Hi-tech na hi-tech ang kitchen-type drug (shabu/ecstacy) laboratory ng Canadians na sina James Riach at Barry Espadilla kasama ang Pinoy na si Tristan Olazo sa Unit 301 ng The Luxe Residences, 28th Street, Bonifacio Global City.
Nakompiska sa nasabing kitchen-type laboratory ang milyon-milyong halaga ng shabu (Metamphetamine Hydrochloride), ecstasy at cocaine.
Ayon mismo kay Justice Secretary Leila De Lima ay halos pitong buwan nang nag-o-opearte ang nasabing drug syndicate.
Ang mga raw materials umano n’yan ini-import mula sa Mexico at finish products ay ibinabagsak sa mga night clubs and gimik bars.
Talagang nakaaalarma na ang operasyon ng iligal na droga sa bansa. Mismong sa report ng NBI, batay sa kanilang imbestigasyon ang unit sa nasabing plush condo ay inuupahan Canadian-Mexican-Iranian drug cartel.
Ayon kay NBI OIC, Atty. Medardo de Lemos, NBI ang mga suspek ay may kaugnayan sa isa pang drug cartel Canada.
Mantakin ninyo kung ilang buhay ang sisirain ng mga drogang ‘yan?!
Buti na lang at nadadale sila ng NBI.
KUDOS, NBI OIC De Lemos & your men!
Keep up the good work at sana’y magtuloy-tuloy pa ang malalaking operasyon ninyo laban sa droga.
ANG KABAN BA ANG BANGKAROTE O ANG UTAK AT MORALIDAD NG BAGONG ADMINISTRASYON?
ILANG buwan na lang at isang taon na palang ang nakalipas ang eleksiyon noong May 2013.
At d’yan tayo natatawa…lalo na sa mga tiga-Manila City Hall na parang hindi maka-move on kahit sila ang naka-pwesto d’yan!
Mantakin ninyong mag-iisang taon na ay hindi pa rin natatapos ang litanya ng bahong ‘este’ bagong administrasyon sa Maynila — mula pag-upo nila hanggang ngayon ang lagi nilang DIALOGUE, BANGKAROTE raw ang Maynila.
Nang una nilang ideklara ito sa mga taga-Maynila, sinagot sila ni Mayor Alfredo Lim na mayroon siyang iniwan na P1.5 bilyon at ito nga ay espisipiko nang naka-budget para sa mga dapat paglaanan.
Ibig sabihin hindi totoong bangkarote ang Maynila nang ipasa ni Mayor Fred Lim sa bagong administrasyon.
Pero nagtataka nga tayo kung bakit ganyan ang pa rin litanya nila.
Kung totoo naman BANGKAROTE, ‘e hindi na nakapagtataka ‘yan dahil sa nakaraang administrasyon nadeskubre ng COA na SANDAMAKMAK na GHOST EMPLOYEES sa tanggapan ng VICE MAYOR at ng ilang mga KONSEHAL sa Maynila.
Hindi nga ba’t KINALOS ni Mayor LIM ‘yan mga ghost employees n’yo!?
‘Yan dapat bang imbestigahan ninyo Konsehal Joel Chua.
‘Yan mga TUA CHAT sa konseho!
Hindi ‘yung ngawngaw nang ngawngaw ka d’yan na maraming ‘wala’ sa Maynila.
‘E anim na buwan na kayong nakaupo, ano ang ginawa ninyo para magka-pera ang Maynila?!
Umasa sa ‘malalaglag’ na biyaya gaya ng ipinagmamalaki at ipinagtatanggol ninyong P100-M realigned pork barrel ni Senator Jinggoy Estrada?
Anak ng tokwa…
Matanong nga kita Konsehal Joel Chua, ano ba ang bangkarote, ang kaban ng Maynila?
O ang mga UTAK at MORALIDAD ninyo?!
Aba ‘e magtrabaho kayo para magkapera ang kaban ng Maynila hindi ‘yang bulsa lang yata ninyo ang inaasikaso ninyo?!
PARA SA MGA KABATAAN: MANAHIMIK SA BAHAY LALO KUNG DIS-ORAS NA NG GABI
HINDI natin sinisisi si Sean Gabriel, ang apo ng artist at akademistang impersonator na si Willie Nepomuceno.
Pero gusto rin natin sabihin sa mga kabataan na kung hindi naman importante ‘e huwag nang lumabas ng bahay lalo na kung disoras ng gabi/madaling araw.
Mistaken identity lang daw ang nangyari sa apo ni Ka Willie Nep.
O sige mistaken identity, e nasaan ang suspect/s?
Alam nating ang kapahamakan ay kapahamakan, pero sabi nga pwede itong iwasan lalo na kung maiiwasan ang mga paglabas-labas ng bahay na hindi naman kinakailangan.
Karamihan kasi ng gulo na kinasasangkutan ng mga kabataan ngayon ay tamang-trip lang.
Kumbaga, nagaktitigan lang, nagkakursunadahan lang, ‘yun may nambaril na o may nag-umbagan na.
O payong barkada lang sa mga bagets … STAY AT HOME especially at night.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com