Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, nag-aaral na ng Fin Swimming (Bilang paghahanda sa Dyesebel)

TALAGANG desidido si Anne Curtis na maging magaling na Dyesebel tulad ng tinuran niya noong ipakilala siya ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN2 na siya ang gaganap sa fantasy series.

Napag-alaman namin mula sa kanyang Instagram account at sa www.abscbnnews.com na nagte-train na siya ng tamang paglangoy tulad ng isang mermaid sa pamamagitan ng Philippine Mermaid Swimming Academy.

Aniya, “Day 2 of training with my coach Karla Fukui of the Philippine Mermaid Swimming Academy! I’ll tell you one thing, it certainly isn’t an easy thing to do BUT it’s loads of fun!!!”  Kasama rin sa caption na ito ang picture niya at ng kanyang coach.

Sinabi noon ni Anne na gagawin niya ang lahat at mag-aaral siya ng fin swimming para maging iba ang level niya bilang Dyesebel. Dream come true kasi ito ng aktres kaya naman mangiyak-ngiyak siya nang malamang siya na nga ang gaganap na Dyesebel.

Last week, an emotional Curtis said landing on the role of Dyesebel is a dream come true for her.

Bale, magiging leading man ni Anne sina Gerald Anderson at Sam Milby.  Kasama rin sina Dawn Zulueta na gaganap na ina niya, Ai Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Eula Valdez, at marami pang iba.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …