PAALIS na kami ng Wil Tower Mall nang saktong masalubong sa labas ang sikat na TV host na siWillie Revillame. Pareho pa rin siya ng dati na ‘pag nakita kami ay bibigyan ka ng pansin at oras para makakuwentuhan. Parang hindi siya ‘yung may-ari ng mall na simple at nakikita hanggang sa labas. (Naka-short nga lang at naka-tsinelas. Simpleng-simple lang –ED)
Saglit kaming nakipagtsikahan hanggang yayain niya kaming mag-dinner sa WBR (restaurant niya sa baba ng Wil Tower Mall na napakasarap ng pagkain) kasama sina Karen Martinez at ang aming entertainment editor na si Maricris Nicasio.
Kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa lumabas sa isang tabloid (hindi sa Hataw) na ikinulong umano siya ng dalawang araw ng financier ng casino late last year sa Solaire dahil sa utang daw nito na almost P300-M. Bakit ganoon ang dami-daming lumalabas at iba-ibang figures? Baka may lumabas pang P1-B ang natalo niya, huh. Hindi na lang ito pinapansin ni Wil, pati ang tsismis na hindi raw siya pinakawalan ng mga tauhan ng nasabing financier hanggang hindi binabayaran ang utang.
Mariing itinanggi ito ni Willie. Paano raw mangyayari ‘yun, di nga raw siya nag-aaalis. Araw-araw ay tutok siya sa kanyang negosyo sa Wil Tower Mall at sa ipinagagawang five star hotel sa Tagaytay. Bukod dito, ang libangan niya talaga ay ang paglalaro ng golf at lagi siyang nakikipag-meeting.
Sabi nga ng isang malapit kay Wil, ‘yung matalo ka nga lang ng P1-M sa casino, parang masisiraan ka ng ulo, ‘yun pa kayang P300-M lalo na kung galing sa pinaghirapan mong pera?
Tinanong na lang namin si Kuya Wil kung ano ang plano niya sa nalalapit na kaarawan sa January 27?
Wala pa raw lalo’t busy siya sa malaki niyang project. Actually, habang nagpapahinga siya sa telebisyon, tutok ang oras niya sa negosyo lalo na ‘yung Wil Tower mall na tapat ng ABS-CBN 2na napakasosyal, napakaganda, at madaling puntahan.
Noong mga oras na ‘yun dumating ang foreign executive ng Marriott Hotel na balak patayuan ng hotel ang katabing bakanteng lupa ng Wil Tower mall na matagal na rin niyang nabili noon. Interesado raw ang kilalang Marriott Hotel na tayuan ng hotel ang lupa ni Kuya Wil. Inilatag sa kanya ang proposal sa naturang proyekto.
Bongga!
TV Network, ililipat sa Bulacan para gawing mala-Hollywood
HOW true na may malaking plano ang isang malaking network sa Quezon City? Mga two to three years lilipat daw sila sa San Jose, Bulacan.
Pero bongga naman dahil parang Hollywood ang gagawin na may itatayo na rin silang hotel na tutulugan ng mga artista ‘pag nagti-taping.
Doon na rin kukunan ang lahat. Kung kailangan ng batis, bundok, park sa eksena, nandoon na lahat.(Mala-Hollywood na talaga?!—ED)
Ano naman ang mangyayari sa iiwanang lugar sa QC? Balak daw nilang gawin na ala-Rockwell. ‘Pag natuloy ang plano na ito sosyal na sosyal ang nasabing lugar sa QC. At sila rin ang kauna-unahang TV network na mala-Hollywood.
Hulaan niyo na lang kung anong TVstation ito dahil tatlo lang naman ang network na naglalaban ngayon.
Diego, nag-propose na kay Angela
GUWAPONG-GUWAPO ang baby boy ni Diego Castro nang ipakita niya ang larawan nito na nasa kanyang wallet. Ito ang bunso niyang anak kay Angela Lagunzad na engaged na sila. Ten years na silang nagsasama. Nag-propose na ng kasal si Diego noong Friday sa kanilang morning show saUNTV 37.
Nakatsikahan ng PMPC si Diego noong December. May dalawa siyang anak kay Raven Villanuevaat isang anak sa dating starlet na si Czarina Polman. Ang nakatutuwa, nasa kanya lahat ang mga anak niya.
Sina Diego at Angela ay parehong napapanood sa UNTV 37. Pero kasama si Diego sa bagong serye ng GMA 7.
Tsuk!
Roldan CAstro