Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sapatero minartilyo sa agawan ng higaan

ARESTADO ang dalawang construction worker matapos pagpapaluin at pagsasaksakin ang isang lalaki sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Mateo Buyron, 53, sapatero, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, isang Raymond Malabago, 19, binata, ng 1795  Malabon St., barangay tanod na naka-duty sa lugar, ang nag-report kay Brgy. 338, Zone 34 Chairman Elvira Garcia, dakong 5:00 ng umaga hinggil sa bangkay na natagpuan sa panulukan ng A. Mendoza at Malabon St., Sta. Cruz.

Batay sa CCTV footage ng barangay, dakong 2:23 ng madaling araw, nakitang natutulog ang biktima sa kalsada nang paghahampasin ng martilyo at pagsasaksakin ng mga suspek na sina Jeffery Robles, 25 construction worker, ng Tondo, at Roel Cabarles, 22, ex-convict, nakatira sa Permanent Housing, Balut, Tondo, na nakilala nang ituro ng pamangkin ng biktimang si Arnel Padilla, 17.

Ayon sa kapatid ng biktimang si Corazon Fernandez, 50, ng 1785 Malabon St., matagal nang may alitan sa higaan ang suspek na si Robles at ang biktima.

Dinala ang bangkay ni Buyron sa police morgue para sa awtopsiya.

Idinulog ang kaso ng mga suspek sa Manila Prosecutors Office para sa inquest.

(JASON BUAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …