Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RoS, Petron dodominahin ang kalaban

KAPWA naghahangad na makaulit ang Rain or Shine at Petron Blaze sa magkahiwalay na kalaban sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magtutunggali ang Rain Or Shine at Meralco sa ganap na 5:45 pm samantalang maglalaban ang Petron Blaze at SanMig Coffee sa ganap na 8 pm.

Ginapi ng Elasto Painters ang Bolts,  94-89 noong Nobyembre 22 samantalang tinambakan ng Boosters ang Mixers, 91-78 noong Nobyembre 27.

Kung makakaulit ang Elasto Painters at Mixcers ay titingkad ang kanilang tsansang makakuha ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Kapwa may 5-7 karta naman ang San Mig Coffee at Meralco Bolts na galing sa back-to-back na panalo. Kung makakaganti sila sa kanilang katunggali ay makakapasok na sila sa quarterfinals.

Tinalo  ng Bolts ang Air 21 (98-88) at Alaska Milk 75-64). Tinalo naman ng Mixers ang Barangay Ginebra (83-79) at Air 21 (67-60).

Ang Rain or Shine ay pinangungunahan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Arana at Beau Belga na kamakailan ay pinarangalan bilang  Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Makakatunggali nila sina Gary David, John Wilson, Jared Dillinger, Mike Cortez at two-time Most Valuable Player Danilo Ildefonso na kamakailan ay napapirma nila ng kontrata.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …