Monday , December 23 2024

‘Rice Smuggling King,’ nakipagkita kay De Lima (Itinangging siya si David Tan)

011514 david tanNAKANGISING lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang inaakusahang ‘rice smuggling king’ na si Davidson Bangayan alyas David Tan para umano makipagkita kay Justice Secretary Leila De Lima at linawin ang kanyang panig. Pinalaya si Bangayan dahil wala pa umanong kaso laban sa kanya. (BONG SON)

Nakipagkita kay Justice Secretary Leila De Lima si Davidson Bangayan na itinuturong si “David Tan” na utak ng rice smuggling sa bansa.

Kinompirma ng kalihim sabay detalyeng ka-samang nagtungo ni Ba-ngayan sa kanyang tanggapan ang abogado ni-yang si Benito Salazar.

Pero itinanggi ni Ba-ngayan na siya si David Tan, financier ng mga pekeng kooperatiba na nakaka-corner ng rice import permits sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Hindi anya niya ginagamit ang pangalang “David Tan” at sa pagkakaalam niya’y maraming may ganitong pangalan.

Inamin ni Bangayan na mayroon siyang negos-yo sa bigas pero hindi anya ito kalakihan, bukod pa sa negosyo sa scrap metal at fertilizer.

Sinabi ni De Lima na iimbestigahan pa nila ang pahayag na ito ni Bangayan.

Lumutang si Banga-yan matapos mapanood ang sarili sa balita sa telebisyon. Una nang kinompirma ni De Lima nitong Lunes na iisa sina Bangayan at Tan, batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kinompirma rin ni De Lima na si Bangayan ang nasa litrato sa report ng NBI.

Aminado ang kalihim na hindi nila maaaring hulihin si Bangayan dahil walang konkretong kaso laban dito. Nangako si Bangayan na makiki-pagtulungan sa imbestigasyon.

Una nang napaulat na isang dating opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang nagsabing nagbigay ng P6 bilyon si Tan sa mga opisyal at empleyado ng kawanihan kapalit ng pagpupuslit ng mga imported na bigas mula sa iba’t ibang pantalan sa nakalipas na dalawang taon.

BOC, NBI SANIB-PWERSA VS DAVID TAN

MAKIKIPAGTULU-NGAN ang Bureau of Customs (BoC) sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kaso ng sinasabing big time rice smuggler na si David Tan, naaresto kahapon base sa warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City court.

“The Bureau of Customs welcomes the arrest of Mr. David Tan. We will cooperate fully with the NBI in its investigation,” pahayag ni Customs Commissioner John Philip Sevilla, aminadong hindi batid ng ahensya kung si Tan ang totoong tao o dummy lamang na ginagamit ng tiwaling mga negosyante.

Sinabi ni Sevilla, “Even if Mr. Tan is indeed involved in rice smuggling, we do not believe he is the only one. We will continue to work hard against rice smuggling, regardless of who carries it out, and we urge the public to remain vigilant alongside us.”

Inaresto ng NBI si Tan, kilala rin bilang si Davidson Tan Bangayan, makaraang isilbi ang warrant of arrest bunsod ng paglabag sa Republic Act 7832 o batas laban sa pagnanakaw ng electric power transmission sa Caloocan City.

‘DAVIDSON BANGAYAN’ RELEASE SA BAIL

MAKARAANG pigilin nang ilang oras, pinalaya ang hinihinalang bigtime rice smuggler na si Davidson Bangayan kahapon makaraang ‘linisin’ ang kanyang pangalan.

Sinabi ng abogado ni Bangayan na si Benito Salazar, pinalaya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang kliyente makaraang ipre-sinta ang driver’s license at birth certificate, patunay na hindi siya si David Tan, ang pinaniniwalaang rice smuggling king. “We were able to prove that my client is not David Tan. That is why we went to Justice Secretary (Leila) de Lima and the NBI, precisely to clear my client’s name,” paha-yag ni Salazar.

Agad pinalaya si Bangayan makaraang maglagak ng piyansa kaugnay sa kasong pagnanakaw ng electric power transmission sa Caloocan City.

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *