NASANAY na ang fans, na tuwing Valentine’s Day ay si Pops Fernandez ang kasama ni Martin Nievera.
But this year, para maiba naman ay si Regine Velasquez ang makaba-Back to Back ni Martin sa “Voices of Love” na gaganapin sa MOA Arena sa eksaktong araw ng mga Puso sa February 14 at 8 PM.
Sa presscon ng dalawa na ipinatawag ng Star Media Entertainment ni Ms. Anna Puno na kasosyo ang sister ni Regine na si Cacai Mitra na matagal ng nagha-handle ng career ng Asia’s Songbird, sobrang excited na ang dalawa sa nalalapit nilang concert na mayroon silang mga bagong repertoire.
Kakantahin ni Regine ‘yung hit song ni Martin at kakantahin rin ng Concert King ang isa sa pinasikat na awitin ni Regine. Base sa kuwento ni Martin sa entertainment media sobrang close pala sila ni Regine as kapatid na babae ang turing niya sa nasabing Diva. At very proud siya sa layo ng narating nito sa industry. Idol naman ng Asia’s Songbird si Martin at malaking parte raw sa kanyang tagumpay sa showbiz. Si Martin umano ang unang nagtiwala sa kanya noong baguhan pa lang siya. Saka walang lihiman sa dalawa kahit pa pribadong buhay nila ay kaya nilang pag-usapan. Siya (Martin) raw ang karamay ni Regine noong may pinagdaraanan na gusto nang tumigil sa pagkanta na pinayuhan niyang huwag sayangin ang talent.
Pero bilib siya rito dahil hanggang ngayon ay tumutulong pa rin ito sa kanyang pamilya. May isa pang eksena na tawang-tawa si Martin, ito ‘yung kahihiwalay pa lang nila ni Pops na ina ng dalawang anak na sina Ram at Robin. Nagkataon na may concert sila sa abroad ni Regine talagang inurirat raw siya nito sa dahilan ng separation nila ni Pops.
Inamin naman ng singer-actress na likas talaga siyang tsismosa pero di naman siya mapanira. Kahit may concert sila ay suportado pa rin ni Regine ang mister na si Ogie Alcasid sa Valentine concert na ang guest ay ang sexy singer-actress na si Solenn Heussaff.
As of presstime halos one half na ng kabuoang tickets ng “Voices of Love” ang naibebenta kaya malamang magkaroon agad sila ng repeat. Para sa mga gustong mag-avail ng tickets at magpa-reserve nang maaga at tumawag sa Star Media sa 854-3300 o bisitahin ang kanilang website sa www.starmediaentertainment.com. You can buy your tickets also at all SM Ticket outlets. smtickets.com or by phone 470-2222.
Pinapasalamatan pala ng Star Media ang 0ilan nilang sponsors tulad ng Pacific Blue at Victoria Court.
Very exciting na concert gyud!
MGA NAGNE-NEGA KAY ANNE CURTIS SA “DYESEBEL” ‘DI MAGTATAGUMPAY
Sa mundong ito, lahat tayo ay hindi perpekto. Kaya parang sakdal-linis naman ang ilang mga kasamahan sa print media at mga blogger kung makapanghusga sa bagong gaganap na “Dyesebel” na si Anne Curtis. Puwede ba mamatay na lang kayo sa inggit kasi kahit ano pang pag-iingay o nega ang gawin n’yo nakuha na ni Anne ang role. Isa sa mga araw na ito ay magsisimula nang gumiling ang kamera para patunayan sa inyo ng Kapamilya actress na siya talaga ang karapat-dapat na maging bagong Dyesebel. Saka ayon pa sa paliwanag ng publicity director ng Dreamscape Entertainment Television na si Biboy Arboleda, ibinatay nila ang lahat sa marketing research at survey ang pagkakapili kay Anne na nag-top ang pangalan. Ang actress ang choice ni Sir Deo na Entertainment head ng Dreamscape ganoon na rin ng management so dapat irespeto natin ito. Bale, sina Gerald Anderson at Sam Milby ang magiging leading-men ni Anne sa pagbibidahang fantaserye. Si Gerald ang gaganap sa papel ni Fredo at Siyokoy naman ang ipo-portray ni Sam. Makakasama rin ni Anne sa cast ng Dyesebel sina Ai Ai delas Alas, Eula Valdez, Gabby Concepcion, Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba. Si Don Cuaresma ang napili ng Dreamscape na magdirek nito at masaya ang director dahil malalaking artista ang makakatrabaho sa latest project sa Kapamilya network. Honestly puwedeng-puwedeng i-level ang beauty ni Anne sa mga naunang naging Dyesebel na sina Alice Dixson, Charlene Gonzales at Marian Rivera.
Ay Oo naman gyud!
RYZZA MAE DIZON PATULOY NA MAGPAPASAYA SA KANYANG MORNING TALK SHOW SA GMA
May ilang mga nagsulat noon at mga blogger na nanlait kay Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon. Kesyo hindi magtatagal ang Morning Talk Show sa GMA 7 na “The Ryzza Mae Show.” Aba’y tingnan n’yo naka-ilang season na ba si Aleng Maliit at hanggang ngayon ay umi-ere pa rin ang programa niya. Isa lang ang ibig sabihin, dahil maraming nagmamahal kay Ryzza Mae ay hindi naapektohan ng intriga ang rating ng kanyang show na talaga namang may aliw factor. Subukan n’yo kayang manoood kung hindi kayo magiging addicted sa kanya. Bukod sa kanyang mga patawa at cute na hosting araw-araw ay namimigay rin ng cash at regalo si Aleng Maliit sa kanyang studio audience. Syempre isa rin sa inaabangan ng viewers ay ang kanyang mga guest celebrity. Mapapanood ang The Ryzza Mae Show bago mag Eat Bulaga.
Peter Ledesma