Friday , May 9 2025

Prangkisa ng Don Mariano kinansela ng LTFRB

KINANSELA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng buong fleet o 78 bus ng Don Mariano Transit Corporation.

Martes ng umaga, inilabas ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang desisyon sa katwirang napatunayan na nagkasala ang Don Mariano sa mga kinasangkutang insidente.

Pinakahuli sa mga reklamo laban sa Don Mariano ang pagkahulog ng unit nito sa Skyway noong Disyembre 16, na ikinamatay ng 20 katao.

Ayon naman kay Atty. Jason Cantil, kinatawan ng Don Mariano sa pagdinig, pipilitin nilang i-apela ang desisyon sa LTFRB at Department of Transportation and Communications (DoTC), dahil problema nila kung saan kukuha ng pang-suporta sa pamilya ng mga namatay at mga nasugatan.

Sa ngayon, nakapagpalabas na ang kompanya ng P11 milyon para sa mga biktima pero kailangan pa rin ng tulong ng mga biktimang nakaligtas.

Sa panayam, sinabi ni Cantil na nasa 20 na sa mga biktima ang nakipag-areglo sa kanila.

Bukod sa mga biktima, ikinatwiran din ni Cantil sa pag-apela sa desisyon ang nasa 160 driver at kundoktor na mawawalan ng trabaho, bukod pa sa mga inspektor at tauhan sa opisina.

Pinayagan naman ng LTFRB ang Don Mariano Transit Corp. na maghain ng motion for reconsideration.

21 sugatan sa bumanggang bus sa Skyway toll plaza

Sugatan ang 21 pasahero ng bus matapos itong bumangga sa toll plaza ng Skyway northbound lane, sakop ng Alabang, Muntinlupa City, Lunes ng umaga.

Ayon sa drayber ng Green Star bus na si Rommel Reyes, mabilis ang takbo niya at nawalan ng preno kaya bumangga sa harang ng toll plaza.

Galing Laguna ang bus patungong Cubao nang maganap ang aksidente.

Iniulat ni retired General Louie Maralit, head ng Traffic Management and Security Department ng Skyway, itinakbo na sa ospital ang mga pasaherong nagkaroon ng minor injuries.

Hawak na ng PNP Highway Patrol Group ang drayber at inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *