Monday , December 23 2024

PNoy: Walang rotating brownouts

WALANG magaganap na rotating brownouts sa Luzon dahil matatag ang kasalukuyang power supply.

Ito ang tiniyak kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa gitna ng pangambang makararanas ng brownouts kapag hindi naipatupad ng Manila Electric Company ang bigtime power rate hike.

“Well, naninigurado tayong hindi magkakaroon ng rotating brownouts dahil, technically, meron tayo talagang enough of a supply, if not, even a surplus currently at least for Luzon,” anang Pangulo matapos dumalo sa groundbreaking ceremony sa San Gabriel power plant sa Batangas City.

Mas kaunting brownouts naman ang magaganap sa Mindanao sa darating na summer dahil aniya sa mga hakbang na isinagawa ng Department of Energy (DoE) para tugunan ang suliranin sa power supply.

Pansamantalang pinigil ng 60-day temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema ang P4.15 power rate hike ng Meralco noong Disyembre kaya’t nagbabala ang kompanya na magkakaroon ng rotating blackouts dulot nito.

Kaugnay nito, hindi pinaboran ng Pangulo ang suhestyon na bawiin ng Kongreso ang prangkisa ng Meralco dahil hindi pa naman tapos ang  pagsisiyasat ng Department of Energy (DOE) sa posibleng sabwatan ng power generators at Meralco kaya lumobo ang presyo ng koryente.

“Sa akin parang premature naman yatang magsabi niyan, pero naintindihan na natin na magandang paraan ‘yan para makakuha ng headline,” sabi pa ng Presidente.

Ipinanukala ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon na bawiin ang prangkisa ng Meralco dahil sa pagkabigong magkapag-suppy ng abot-kayang halaga ng koryente at i-take-over ng gobyerno ang operasyon ng kompanya.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *