ANG lalawigan ng Laguna ang nanalo sa bidding bilang host sa 2014 Palarong Pambansa kaya naman masaya ang kasalukuyang gobernador dito na si Jeorge ‘ER’ Ejercito.
Ginanap ang announcement sa Department of Education Office sa may Pasig City noong Lunes ng tanghali sa pangunguna ni Education Secretary Bro. Armin Luistro and Assistant SecretaryTonisito Umali.
Bukod kay Gov. ER, ay nasa pirmahan din ng Memorandum of Agreement sina Laguna Sports Coordinator Albert Abarquez at Marikina City Mayor Del de Guzman at ang partner na Philippine Sports Commission commissioner Jolly Gomez.
Pang 57th edition na pala ang 2014 Palarong Pambansa na ginaganap taon-taon at ito ang pinakamalaking annual sports events ng mga estudyante sa bansa at gaganapin ito sa Mayo 4 hanggang 10 na dadaluhan ng 15 to 17 libong mga batang manlalaro.
Ang isa sa dahilan kaya nanalo sa bidding ang Laguna ay dahil sa modernong sports facilities tulad ng Laguna Recreational, Education, Cultural, at Sports Stadium at ang 70-meter world-class archery range, ang bagong gawang track oval, football field, at may mga tirahan din ang mga manlalarong manggagaling sa iba’t ibang probinsiya.
Say nga ni Govenor ER, ”this will be the first time that Laguna will host the Palarong Pambansa after failing several times to bring the national games to the province in the past 10 years. Laguna has a track record of hosting several Southern Luzon legs of the Batang Pinoy.”
Aniya pa, sina Manny Pacman Pacquiao, James Yap, at ang Teng Brothers (Jeron at Jeric) ang magbubukas ng Palarong Pambansa. Naglaaan din ng P10-B ang Laguna sa rehabilitasyon ng kanilang sports facilities.
Reggee Bonoan