Monday , December 23 2024

P73-K tinangay sa kusinera ng dorobong taxi driver

MULING umatake ang hindi pa kilalang taxi driver sa kaniyang pasahero matapos mabiktima ang 38-anyos kusinera, na sumakay sa minamanehong taxi at natangayan ng malaking halaga ng salapi at grocery items, matapos mawalan ng malay matapos makaamoy ng kakaibang uri ng kemikal kamakalawa ng gabi, sa Pasay city.

Dakong 4:30 ng madaling araw, nadiskubre ng biktimang si Erma Nepangue, may asawa, ng Blk 199, Lot 16, Gemini St., Pembo, Makati City ang pagkawala ng kanyang P73,000 cash at grocery items na nagkakahalaga ng P7,000 nang siya ay magkamalay sa panulukan ng EDSA at Taft Avenue, kung saan siya ibinaba ng suspek .

Sa ulat na tinanggap ni Pasay city police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, dakong 9:40 ng gabi sumakay umano ng taxi ang biktima sa Pedro Gil St., Maynila, matapos makapamili ng mga grocery at nagpahatid sa kanilang bahay sa Makati.

Habang papuntang Pembo, Makati ang taxi, nakalanghap ng masangsang na amoy ang ginang naging dahilan upang mawalan siya ng malay.

Ayon sa biktima, tanging ang controlling letter na TVZ at numerong 2 ang natatandaan niyang plaka ng taxi.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *