Monday , December 23 2024

MERALCO nagkamal nang walang puhunan consumers bina-blackmail pa

00 Bulabugin JSY

ITONG ginagawa ngayon ng Meralco sa sambayanang consumers at sa gobyerno ay talagang BIGTIME BLACKMAIL.

Mantakin ninyong takutin ang Supreme Court na kung hindi tatanggalin ang temporary restraining order (TRO) sa power rate hike ‘e mapipilitan daw silang magpatupad ng rotating brownouts?!

Sonabagan!!!

Only in the Philippines lang talaga!

Simple lang po ang istorya rito.

Nang mag-shutdown ang Malampaya natural gas field at iba pang power plants na dati nang nagsu-supply ng  power sa Meralco, naghanap sila ng alternatibong power sources gaya ng diesel at bumili ng supply sa wholesale spot market (WESM) na mas mataas ang rate.

Normal na dahil mas mataas, madaragdagan ang gastos ng Meralco at mababawasan ang GANANSIYA nila.

Kaya gusto nilang itaas ang presyo ng koryente. Buti na lamang at mayroon mga consumers’ organization  na agad naghain ng petisyon kaya nakapagpalabas ng 60-day TRO ang Supreme Court.

Kaya ‘yun mataas na Meralco billing noong Disyembre ay pinabayaran na lang nila katulad noong billing ng Nobyembre.

Kahit na 60 araw lang ‘yan ay malaking tulong sa sambayanang consumers.

Pero ang pinag-uusapan nga, after 60 days, ano ang gagawin ni Energy Secretary Jericho Petilla?!

Papayagan ba niyang magkaroon ng rotating brownouts na tiyak na magkakaroon ng malaking epekto sa takbo ng ekonomiya ng bansa.

Habang pakuya-kuyakoy lang ang Meralco dahil ibinibigay nila ang paghahanap ng solusyon sa gobyerno.

Mantakin ninyo pinagkikitaan nila nang malaki ang mga natural resources natin pero kapag nagkakaproblema ‘e ang una nilang hakbang IPASA at GATASAN ang sambayanan?!

Ayaw mabawasan ang milyon-milyones na kinikita nila mula sa consumers, kaya kapag may krisis sa mga power supplier ‘e agad ipinapasa sa consumer.

Ang lugi nila at bayarin sa mga abogado nila ay sa atin mga consumers rin ipinapasa!

Aba ‘e kung ganyan lang din ang alam nilang solusyon, kaya rin ng gobyerno ‘yan.

‘E mas mabuting ibalik na sa gobyeno ‘yang Meralco!

Tutal naman ‘e pag-aari ng sambayanan ang mga pinagkukunan ng lakas-enerhiya.

Hindi ba’t natural resources ‘yan?

‘E bakit pribadong kompanya ang nakikinabang?!

Solusyonan mo nang tama, Energy Secretary Petilla!

‘Wag ‘yung solusyong patapal-tapal lang!

NAMAMAYAGPAG PA RIN SI TAX EVADER JOSEPH ANG  SA RW CASINO

PATULOY pa rin ang pamamayagpag ng Chinese Casino financier na si Joseph Ang  sa ilalim ng kompanyang (peke) Ringson’s International Office.

Uulitin ko, si Jospeh Ang, ‘yung Chinese national na hinabol ng saksak ng isang Jerry Sy (na nahulihan ng sanrekwang baril at shabu pero nakapag-BAIL agad).

Makailang beses na namin naikolum sa BULABUGIN si Joseph Ang dahil sa kanyang bigtime money laundering operations at tax evasion sa Resorts World Casino Manila.

Kung money laundering scheme at tax evasion ang pag-uusapan, masasabi nating No. 1 ‘yang si Joseph Ang.

Si Joseph Ang ay hindi ahente ng Ringson’s International office na isang pekeng kompanya. Malakas ang ugong sa RW casino na siya mismo ang main operator nito at may kasosyo na opisyal ng RW Casino.

Bukod tanging siya lamang ang mayroong opisina at VIP gaming room sa 3rd floor ng Resorts World Manila.

Sa VIP room na ito sinasabing nangyayari ang money laundering scheme at drug trading ni Joseph Ang na ang pangunahing kliyente ay mga miyembro umano ng Chinese Triad.

Isa pa rito ang isang empleyado umano ng RW Casino na si alias Eric Ayao a.k.a. Ecstacy Boy na naging kasosyo niya umano sa pagpi-finance sa casino.

Madam KIM HENARES ng BIR, ayon sa ating impormante, ‘yang si Joseph Ang ay isang dating BUGAW lang sa isang mumurahing Karaoke club sa Ongpin pero ngayon ay SUMIRIT na ang yaman at naging No. 1 money launderer pa sa CASINO.

Ilang beses na po namin ipinanawagan sa inyo na imbestigahan ang taong ‘yan, pero parang wala-wala lang.

Mayroon bang pinaghihiraman ng ‘KAPAL NG MUKHA’  si Jospeh Ang sa mga KKK ni PNoy?!

Nagtataka lang po tayo kung bakit tuloy-tuloy ang operation ni Joseph Ang pero nakalulusot sa BIR.

Bakit nga ba, Madam KIM HENARES?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *