Gud pm po senor,
Plz pakisagot naman s dyaryo itong txt ko, nanaginip kasi aq na ung kuya ko ay namatay na, pero d q tlaga alam lagay nya dahil matagl na kming d nagki2ta, s drims q ay ayaw q dw maniwala, den umiyak2 aq ng todo na po, plz don’t post my number… TNx!
To Anonymous,
Mahalagang pag-ukulan ng pansin ang tema o takbo ng iyong panaginip sa sinapit ng iyong kuya upang mas maintindihan ang iyong bungang-tulog. Kung maayos naman ang inyong usapan sa iyong bungang-tulog, maaaring nagpapahiwatig lang ito ng panghihinayang mo o pagkasabik na makitang muli ang iyong kapatid, dahil ngamatagal na kayong hindi nagkikita ng iyong kuya.
Nagpapakita rin ang bungang tulog mo ng pagre-release ng mga negatibong emosyon na bunsod ng mga sitwasyon o kalagayan sa estadong ikaw ay gising. Ito ay isang paraan din upang manumbalik ang ilang emotional balance at maayos at ligtas na mailabas na rin ang iyong takot at frustrations sa buhay. Sa kabilang banda, maaari rin naman na ang bungang-tulog mo ay nagha-higlight lang sa pangangailangan mong pagbutihin ang taglay mong galing o kaalaman sa pakikipagtalastasan sa mga tao o kaya naman ay matutong mai-express pa ang iyong sarili ng mas maayos o mas malinaw. Makatutulong din kung pupuntahan o makikibalita ka sa iyong kuya, sakaling malayo kayo sa isa’t isa, upang maalis ang agam-agam mo sa tunay na kalagayan niya. Panatilihing positibo ang iyong pananaw sa buhay at laging manalig sa Diyos.
Señor H.