Monday , December 23 2024

Grabe na ang krimen sa Maynila, paging MPD

NAPAKARAMI nang unreported street crimes sa Maynila. Karamihan ay gawa ng “riding in tandem.”

Pati pulis, na hindi nakauniporme, ay nahoholdap o naaagawan ng bag ng mga kriminal.

Sa mga impormasyong nakarating sa akin, paboritong holdapin ng riding in tandem ang mga foreigner na gumagala o namamasyal sa Malate o Mabini areas.

Inaabangan lang daw ng mga naturang kri-minal ang mga turista o banyaga paglabas ng hotel o condominium.

Hindi na raw nagre-report sa pulisya ang mga biktima dahil wala namang ginagawang aksyon ang mga pulis ng stations 5 o 9 na nakasasakop sa mga erya ng Malate.

At kung mag-report man ay hindi rin yata ibina-blotter ng ‘sarhento de mesa’ para masa-bing walang krimen na nangyayari sa kanilang area of responsibility (AOR).

Dapat sigurong atasan ni Mayor Erap ang hepe ng MPD na maglagay uli ng checkpoint – mula ala-5 ng hapon hanggang ala-6 ng umaga. Gawing dalawang shift upang hindi naman mapuyat nang todo ang mga pulis.

Oo, seryosong checkpoint! Ito lamang ang naiisip kong paraan para maharang o mahuli ang mga rider na kriminal na namamayagpag ngayon hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan.

Ano sa tingin n’yo, Chief PNP Alan Purisima, Sir?

Talamak ang shabu sa Brgy 191

Zone 20 (Manila)

-Report ko po ang talamak na bentahan ng shabu dito sa aming barangay, Brgy. 191 Zone 20. Parang ligal po ang bentahan dito kaya andaming adik at tulak. Sana mag-operate naman dito ang NBI o PDEA. Kasi ang mga pulis dito patong na sa mga tulak. Sila pa nga yata ang nagsusuplay ng droga sa mga tulak e. Kasi hindi nila hinuhuli. Kung minsan nakikita naming magkasama ang pulis at tulak na nagkukuwentuhan. Grabe na po ito. Ang tserman namin dito ay si Ernesto Solis. Pls don’t publish my number. – Concerned citizen

Jojo Soliman ang pinakaamo

ni David Tan sa smuggling

HINDI lang si alyas David Tan ang dapat habulin ng Department of Justice sa bigtime smuggling sa bansa.

Dahil si Tan ay front lamang umano ito ng pinaka-hari ng rice smuggling na si “Jojo Soliman”.

Si Soliman ay minsan nang nabanggit sa imbestigasyon ng kongreso sa smuggling, pati na ang isang “Leah Cruz” na reyna naman umano ng smuggling ng bawang at sibuyas.

Kaya kung seryoso ang DoJ na i-selda ang mga bigtime smuggler sa bansa, sampulan nila ang tatlong nabanggit.

Si David Tan ay pumunta na raw sa tanggapan ng DoJ at nagpaliwanag. Ewan natin kung nabola niya si Sec. Leila de Lima. Bigla kasing tumahimik ang DoJ e.

Sumbong para sa DENR

– Mr. Venancio, nais naming ipaabot sa pamunuan ng DENR na dito sa amin, sa Brgy. Sigad, bayan ng Lavezares, Northern Samar, ay walang patumanggan ang pagputol ng mga maliliit na punongkahoy at binibenta sa isang panaderya upang gawin panggatong sa pugon ng nasabing panaderya. Naisumbong na namin ito sa PNP dito pero wala silang aksyon.  Kaya sana makarating ito sa pamunuan ng DENR at kaagad nilang maaksiyunan dahil nauubos na po ang mga puno dito sa amin, malaki man o maliit. Salamat. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Tuloy pa rin ang kotongan sa

vendors sa Soler (Divisoria)

– Mr. Venancio, ako po ay isang vendor dito sa Soler at nagbabayad ng P300 bawat araw kay Raffy Alejandro, iba pa sa permit, basura, ilaw, tent rental at pulis. Halos P500 ang gastos namin bawat araw sa kotong lang.  Sabi ni Konsehal DA (Dennis Alcoriza ng District 1), P150 lang ang gastos bawat araw, wala na yung mga sindikato. Pero bakit madalas kasama niya sina Raffy at Jimmy? Wala na ba talagang sindikato? Sana makarating ito kay Mayor Erap. Salamat po. – 09493901…

Sex toys nagkalat

sa footbridge sa Raon

– Mr. Venancio, sana makarating ito kay Mayor Erap. Rampant na po ang bentahan ng sex toys sa footbridge ng  Raon. Nakikita ng mga estudyante at kabataang dumadaan sa footbridge. Mayor Erap, mga bata mo sa City Hall ang mga protektor dito. – 09283489592

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *