Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Estudyante naglason sa memorial park

PATAY na nang matagpuan sa loob ng memorial park sa Brgy. San Agustin, Malolos City ang computer science student na hinihinalang uminom ng silver cleaning solution kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jerry Ople, residente ng Brgy. Sto. Rosario sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulisya sa dalawang estudyanteng babae, dakong 2:30 p.m. nang makita nila ang biktima na umiinom ng softdrink habang nakaupo sa nitso hanggang biglang natumba at nadapa.

Agad humingi ng saklolo ang dalawang estudyante ngunit wala nang buhay nang abutan ang biktima ng nagrespondeng rescue team.

Natagpuan sa lugar ang isang bote ng softdrink at maliit na bote na may natira pang silver cleaning solution.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …