KABILANG ang limang Filipino sa mga kandidatong tumira sa planetang Mars.
“To be an astronaut has been my life-long fantasy and dream, so for a couple of bucks, why not try, right?” pahayag ni Dr. Michael Pias.
Si Pias, nakabase sa Oman, ay kabilang sa Filipino applicants na nasa shorlist para sa Mars One, not-for-profit foundation na magtatatag ng permanent human settlement sa Mars.
Magugunitang 200,000 aplikante ang isinalang sa first round ng selection phases, ngunit nitong Disyembre, 2013 ay 1,058 na lamang ang natitira kabilang ang ilang Filipino.
Kabilang din sa shortlist na Filipino ay si Jaymee del Rosario, presidente ng International Metal Source sa United States, narinig ang project sa pamamagitan ng mga kontrata ng kompanya sa iba’t ibang technology companies sa U.S.
Ang isa pa ay si Shadee Dela Cruz, nurse sa Singapore, na katulad ni Pias, sumulat ng essay sa Facebook makaraang mabasa ang balita na kabilang siya sa shortlist.
Samantala, sina Qatar-based Willard Daniac at Singapore-based CJ Franco, ay nabasa ang program habang nagbabasa ng balita kaugnay sa planeta sa internet.
Inihayag ni Daniac, childhood dreams niyang makapunta sa galaxy, habang sinabi ni Dela Cruz na nais niyang ilagay ang Filipinas “in some other planets’ map.”
HATAW News Team