Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, aabonohan ang kakulangang pambili ng bahay ni Ryzza Mae

BALITANG bibili na ng bagong bahay si Ryzza Mae Dizon na malapit sa Broadway Centrum na roon isinasagawa ang noontime show na Eat Bulaga.

Ayon sa aming source, kulang umano ng P3-M ang pera na pambili ng house ni Ryzza.

Aabonohan umano ni Vic Sotto ang kakulangan para sa bibilhing bahay ng child star. Ewan namin kung bonus ito sa kinita ng My Little Bossings.

Pansamantalang nakatira si Ryzza sa unit ni Manay Lolit Solis sa Imperial Palace sa QC.

Anong nangyari?!…

MARTIN, PUMAYAG MAGING SUPPORT NG ISANG MALE STARLET

ANYARE? Nawala lang si Martin Escudero sa pamamahala ni Popoy Caritativo, hindi na naalagaan ang billing niya sa bagong pelikula na Mumbai Love.

Nagulat kami dahil pumayag si Martin na maging supporting lang ng isang male starlet na nagngangalang Kiko Matos. Okey lang sana kung mga big star ang sinuportahan niya gaya nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, etc..

Pangalawa, nauna pa sa billing si Jayson Gainza kaysa kanya, huh.

Ang hirap talaga ‘pag walang manager na nakikipaglaban ng billing niya samantalang nagbida na ito gaya ng Zombadings at isa sa lead ng Moron 5.

Bukod dito na-nominate pang best actor ng Urian at Star Awards. Nanalo ng Best Actor award sa Golden Screen Award at Gawad Tanglaw.

Naging bida rin siya sa mini-series na Positive ng TV5 tapos ganoon lang ang billing niya sa pelikula.

Maling move ‘yan sa career, ha!

Esep-esep!

Billy at Gab, iisa ang taste sa babae

MARAMI ang nakapansin na na iisa ang taste nina Billy Crawford at Gab Valenciano.

Naunang maging nobya ni Gab si Nikki Gil bago naging ex-girlfriend din ni Billy.

Ngayon naman ang ex ni Gab na si Coleen Garcia ay nali-link kay Billy. ”Yes, nililigawan ko. She is not my girlfriend yet, and I would love for her to be,” deklara ni Billy para kay Coleen.

“I know she really wanted to pull away at one point and really just didn’t want to have anything to do with me because of the speculations, because of everyone else speaking on our behalf. Pero ako bilang lalaki, I’ll pursue her. Paninindigan ko. I want to get to know her slowly,” sey pa niya sa isang panayam.

Tsuk!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …