Monday , December 23 2024

‘Pokeran’ sa QC; at holdapan lutas in 5 mins. sa QCPD 2

MATAGAL-TAGAL na rin ang info na ibinato sa AKSYON AGAD ng ilang residente ng Barangay Laging Handa, Quezon City hinggil sa talamak na operasyon ng isang illegal gambling den na matatagpuan sa naturang barangay.

Hindi halatang pasugalan ang kinaroroonan ng gambling den dahil sa isang bahay – may kalakihan ang haybols.

Hindi rin basta-bastang pipitsuging gambling den ang isinumbong kundi bigtime ang players dito, katunayan hindi lamang mga Pinoy ang manlalaro sa gambling den kundi may mga suki rin ang  “mini casino”  na mga dayuhan partikular na ang mga Koreano.

Oo, suki rin ng gambling den na may limang mesang poker ang ilang opisyal ng Quezon City Hall at opisyal ng Philippine National Police (PNP). Patuloy pa rin natin inaalam ay kung may suking mga opisyal at tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa naturang pokeran.

Tulad nga ng nabanggit, matagal-tagal na rin ang info na ito, kaya bago natin ibinunyag ngayon ay ipinakapa muna natin ito sa isang asset. Positibo nga raw.

Bukod dito, nagsagawa pa tayo ng double check para sa info. Kinompirma naman ito ng isang negosyante sa lungsod. Minsan na raw din siyang nadalaw sa mini casino na ito. Nagulat nga raw siya dahil ang inakala niya ay isang mesa lang at katuwaan na laro pero, hindi raw kundi mini casino ang dating.

Kompleto pa nga raw sa serbisyo ang mga player – libre inom, hatid-sundo sa bahay hanggang gambling den at pinapautang pa ng ‘puhunan’ ng bangka ang mga player na gustong makabawi. E libreng GRO, wala?

Aba, hindi nga small time ang mini casino, kompleto ba naman sa serbisyo.

E sino naman ang damuhong may lakas loob na nagpapatakbo nito na mukhang malakas sa mga kinauukulan ng QC Hall at PNP?

Suki pa nga raw na dumalaw sa mini casino na ito ay tatay ng isang mataas na opisyal sa QC Hall. Gano’n?  Sino nga ba ang nagpapatakbo ng pokeran este, mini casino na ito? Abangan! Basta isang lady-lady ang nagpapatakbo nito.

Abangan iyan!

Atsa …Ron…he…he…he…!!!

***

Sabi kapag bagong taon ay magbago raw tayo ng estilo para lalong maging sagana ang buong taon o ang 2014 natin.

Ang QCPD Baler Police Station 2 na pinamumunuan ni Supt. Pedro Sanchez bilang station commander, ay masasabing sang-ayon sa kasabihan pero, ibang klase ang estilo ng estasyon. Hindi pagbabago ang kanilang ginawang estilo para sa estasyon para sa kapakanan ng mamamayan kundi lalo pa nilang pinaigting ang kanilang estilo laban sa kriminalidad sa kanilang area of responsibility.

Dobleng seguridad ang kanilang ipinaiiral sa AOR sa PS 2 batay na rin sa direktiba ni Chief Supt. Richard Albano, QCPD District Director. Hayun, bilang patunay ng dagdag-alerto ng PS 2. Limang holdaper ang agad na naaresto ng tropa ni Sachez. Ibig sabihin, sa loob lamang ng ilang minuto ay lutas agad ng estasyon ang kaso sa tulong siyempre ng biktimang isang pulis din.

Sakay ng isang PUJ nitong Linggo ang pulis na si PO1 Liberato Antang ng SAF, Canlubang, Laguna. Habang binabaybay nila ang West Avenue,QC. Nagdeklara ng holdap ang lima. Tinutukan ng isa ang pulis na nakasibilyan. Ibinigay naman ni Antang ang kanyang wallet ngunit nang pababa na ng jeep ang lima, nagawang hablutin ng pulis ang isa sa suspek hanggang makuha ang hawak nitong kutsilyo.

Dahil nga sa ipinaiiral namang dobleng kampanya ng PS 2 laban sa kriminalidad, naispatan ng nagpapatrolyang mga tauhan ni Sanchez ang insidente kaya agad silang rumesponde at dinala sa presinto ang salarin.

Sa interogasyon, ikinanta ng naaresto ang kanyang mga kasamahan na nagtatago sa South Homes Apartelle sa Timog Avenue, QC.

Agad ipinag-utos ni Sanchez ang isang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng apat pang suspek.

Ayos! Walang kakupas-kupas talaga itong PS 2 laban sa kriminalidad. Paano, magaling at laging alerto rin kasi ang kanilang hepe.

Kaya sa inyo diyan sa QCPD Baler PS 2, saludo ang bayan sa inyo!

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *