Friday , November 15 2024

Mababang turing

ANG pagiging sub-standard (mababang kalidad) ng mga bunkhouses o pansamantalang tirahan ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte at Eastern Samar ay parang patotoo sa mga paratang laban sa kasalukuyang administrasyong Aquino na walang makataong turing sa mga naging biktima ng kalamidad lalo na kung mahirap lamang.

Ang kababaan ng kalidad ng mga pansamantalang tirahang ito ay ibinulgar ng isang kilalang arkitekto, Felino Palafox, Jr., na nagsabi na ang kanyang natuklasan matapos niyang inspeksyonin ang mga bunkhouses kamakailan. Natuklasan pa niya bukod sa mababang klase ang mga ginamit na materyales para sa mga bunkhouses ay fire hazards pa. Wala rin privacy para sa mga gagamit nito.

Hindi lang ‘yun ang napag-alaman natin. May mga nagsabi pa na ang mga bunkhouses ay maaaring overpriced  at pinagkitaan ng ilang swapang na negosyante at pulpolitiko. Aba kung totoo ito ay malinaw pa sa sikat ng araw na wala ngang turing na makatao sa maliliit ang kasalukuyang administrasyon.

Kung gaano kawalang kwenta ang bunkhouses ay ganoon din kaya kababa ang turing ng administrasyong Aquino sa mga taong gagamit nito? Harinawang hindi naman. Ating abangan ang mga susunod na kabanata.

* * *

Sabi ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III mula ngayon ay hindi na niya papansinin ang kanyang mga kritiko lalo na ‘yung mula sa media sapagkat wala naman daw silang nakikitang mabuti sa kanyang ginagawa. Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi na pakikinggan ni B.S. Aquino ang taong bayan na umano ay boss niya. Malinaw naman kasi na interes ng bayan ang dinadala ng mga nasa media na sinasabing kritiko ng pangulo.

Dapat aralin ni B.S. Aquino ang kasaysayan. Ang mga hindi nakinig sa mga puna ay walang napuntahan kundi kangkungan. Bumabagsak ang mga taong hindi nakikinig lalo na sa hinaing ng bayan sa pamamagitan ng media. Malinaw na hindi alam ni B.S. Aquino ang tungkuling ginagampanan ng mga tulad naming tagahatid ng balita at puna.

Ang media ay ang tagapanday ng demokrasya sapagkat sila ang tagapamandila ng makabuluhang usapan sa lipunan sa pamamagitan ng mga balita at kuro-kurong hatid nito sa madla. Ang hindi pagpansin ng pangulo sa mga puna ay malinaw na tangka laban sa demokrasya ng bansa. Sana ay maglinaw ang isipan ni B.S. Aquino kaugnay ng bagay na ito.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *