Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kauna-unahang Mindanao Cardinal suportado ni Tagle

NAGPAABOT ng pagbati at kasiyahan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, sa pagtatalaga ni Pope Francis kay Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, bilang bagong miyembro ng College of Cardinals.

Ani Cardinal Tagle, tulad ng kanyang karanasan, hindi rin siya makapaniwala na maitatalaga siyang bagong Cardinal noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle kay Cardinal elect Orlando Quevedo, magiging katuwang siya nito lalo na at unang pagkakataon na nagkaroon ang Filipinas ng Cardinal mula sa Mindanao.

“Unang-una, kaisa ako ng Simbahan ng Filipinas at sa isang natatanging paraan sa ating mga kapatid na taga-Mindanao na ngayon ay naranasan na naman natin ang historic na biyaya na bibigyan tayo ng panibagong Cardinal at first time na manggagaling sa aktibong Arsobispo sa isang Arkidiyosesis sa Mindanao at ngayon ay cardinal elect Orlando Quevedo ng Oblates of Mary Immaculate,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Naniniwala din si Cardinal Tagle sa pamama-gitan ng pagiging Cardinal ni Archbishop Quevedo ay maibahagi ng Filipinas sa Roma ang karanasan ng mga kababayan natin sa Mindanao.

“Sa pamamagitan ngayon ng ating bagong kardinal hopefully ‘yung mga buhay na karansan ng pananampalataya sa Minadanao ay mapapaigting na mapapasama na ngayon sa kamalayan ng ating Santo Papa,” pahayag ni Cardinal Tagle

Sinabi naman ni CBCP President Linga-yen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, isang patunay na nagbubunga ang Katolikong pana-nampalataya sa Minda-nao sa pagkakahirang ng Santo Papa kay Cardinal Quevedo.

“The CBCP is elated to receive the news that Pope Francis has named the Archbishop of Cotabato, Archbishop Orlando Quevedo, OMI as a member of the College of Cardinals. Cardinal elect Quevedo is a senior member of the Catholic hierarchy in the Philippines. He is known in the CBCP for his mental clarity and intellectual brilliance. He is an archbishop who is truly passionate for the formation of basic ecclesial communities. He has been a pastor up north in Ilocos Sur and down south in Cotabato.  ani  Villegas.

Si Archbishop Orlando Quevedo ang kauna-unahang arsobispong Filipino na itinalagang Cardinal sumunod  Luis Antonio Cardinal Tagle na itinalagang Cardinal ni Pope Benedict XVI.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …