Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater, Boracay hahabol sa Q’finals

PAGHABOL sa quarterfinals ang layunin ng Blackwater Sports at Boracay Rum na makakatunggali ng magkahiwalay na kalaban sa PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Makakasagupa ng Elite ang Derulo Accelero sa ganap na 4 pm matapos ang 2 pm na salpukan ng Waves at Jumbo Plastic.

Ang Blackwater Sports ay may 5-3 record at galing sa 102-81 panalo kontra Arellano University/Air21.

Bagama’t lubhang pinapaboran ang Elite kontra sa Oilers na may iisang panalo sa sampung laro ay ayaw ni coach Leo Isaac na magkumpiyansa ang kanyang mga bata.

Si Isaac ay sumasandig kina Kevin Ferrer, Gio Ciriacruz, Narciso Llagas at Allan Mangahas.

Ang Derulo Accelero, na hawak ni coach Paolo Mendoza, ay wala nang pag-asang makarating sa quarterfinals. Subalit nais ni Mendoza na  umangat ang performance ng kanyang mga bata dahil ngayon pa lang ay pinaghahandan na nila ang susunod na conference ng D-League.

Sa kartang 5-5, medyo manipis na ang tsansa ng Boracay Rum na umusad sa susunod na round. Pero  hindi naman sumusuko si coach Lawrence Chongson na nagsabing “We just want to win every game. Tignan natin kung hanggang saan kami aabot.”

Inaasahang didikdikin sila nang husto ng Jumbo Plastic na galing sa 89-70 kabiguan buhat sa defending champion NLEX Road Warriors noong Huwebes.   Iyon ang ikatlong pagkatalo ng Giants sa 11 games at dahil doon ay mahihirapan na silang makuha ang automatic semifinals berth.

Ang Jumbo Plastics ay pinamumunuan nina Elliot Tan,  Mark Romero, Jan Colina, Harold Arboleda at Justin Alano.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …