Sa OTB na aking napasyalan nung Linggo ay may apat na beteranong BKs ang nasa isang mesa at tawagin na lamang natin na BK1, BK2, BK3 at BK4.
Pagkaparada ng ikaapat na karera ay nasambit ni BK1 na patok ang outstanding favorite na si Faithfully, sabi ni BK2 ay lalagay siya kay Lucky Dream dahil iisa lang ang trainer. Dugtong ni BK3 ay dalawa ang kukunin niya upang makasiguro. Sumingit si BK4 ng walang mananalo sa dalawang iyan base sa paradang nakita niya, kaya lalagay siya sa isang dehado na si Fernando’s Entry at baka doon ibigay ang laban.
Humanga iyong tatlo sa napili ni BK4 dahil nakadehado. Dugtong nung isa na nakita ko rin iyan at may dalawang kabayo pa ang koneksiyon nila na maaaring pumasok pa sa 2nd WTA. Sabi ni BK4 na wala ng mananalo sa dalawang iyan dahil nakalusot na iyong dehado sa kanila, kaya sa kalaban na lamang lumagay.
Ang dapat abangan ay iyong dobol sa race-8 na kumbinasyong 7/5 (Street Star at Ms. Bling Bling) at itodo na lahat. Ang tanong nung tatlo ay bakit kay Street Star at hindi kay Empire Princess? Ang tugon ni BK4 ay kinutuban siya na baka magpalitan lang sila (koneksiyon) sa race 4 at race-8?
May ideya daw kasi si BK 4 na may iisa lang iyong mga nasa races 4 at 8? Sa bandang huli ay nagkaisa sila at nakatama.
Anyway, isa lang iyan na patunay muli na mas bigyan ng importansiya ang pagbasa sa mga pangalan ng tao na nasa programa kaysa sa kabayong tatayaan.
0o0
Walong takbuhan ang nilargahan sa pista ng SLLP at kaya nagkaroon ng karera ay kapalit ito para sa araw ng Huwebes Santo upang sa gayon ay balanse ang bilang ng tatlong karerahan sa taong 2014. Ang tatlo pang araw ng Lunes na pakarera sa SLLP ay sa Nobyembre 24, iyan marahil ang kapalit sa Biyernes Santo. Yung dalawang iba pa ay sa Disyembre 22 at 29, na kapalit mula sa 25 (Christmas Day) at 30 (Rizal Day) ayon sa pagkakasunod.
Fred Magno