TINANONG ko ang ilang fans na hindi fans ni Anne Curtis kung okey bang ito ang magingDyesebel sa movie or TV? Hindi sila nag-isip sa pagsagot. Aba, okey daw at bagay daw sa magandang actress na maging Dyesebel, dahil maganda naman ang hubog ng katawan na tiyak mae-eemphasize sa suot na costume.
Rubberized ang buntot na kapag bilbilado ka, hindi magandang tingnan. Magiging baku-baku. Eh, sa edad, naku, wala raw sa mukha ni Anne kung matanda siya para sa role dahil halos ka-edad niya noon ang mga nagsipagganap sa unang Dyesebel na sina Vilma Santos, Alice Dixon, Alma Moreno, at Charlene Gonzales. Hindi kailangan pang maging bata ang gaganap ng Dyesebel at tama nang si Anne na maging Dyesebel.
Sayang din si KC Concepcion, isa sa mga choice ng producer na maging Dyesebel at lalong “k na k” kaso hindi yata tinanggap ng magandang young star dahil may plano itong mag-aral sa ibang bansa. Mas type namin ang ganitong priority ni KC, ang maging isang degree holder, tutal she’s too young pa at ‘pag may natapos siya, maganda ang fall back niya ‘pag nagsawa siya sa showbiz. ‘Yun lang po!!!!
Letty G. Celi