Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

11 kabayo nominado sa 3 year old fillies

 

LABING-ISANG  local horses  ang nagnomina para sa 2014 Philracom 3 year old Local Fillies na gaganapin sa darating na Sabado,  Enero 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,  Cavite.

Inaasahan na magiging mahigpit ang labanan  ng mga  lalahok  sa nasabing pakarera na  tatawid sa distansiyang 1,500 meters.

Nakalaan ang  may P.5  milyon mula sa Philracom  na ang tatanghaling panalo ay pagkakalooban ng P.3 milyon .

Ang mga nominado ay ang  Bacolod Princess ni William Kramer; Bahay Toro ni Raphael Abacan; Kasilawan ,That Is Mine  ni Ferdinand Eusebio;  Love Na Love ni Hermie Esguerra;  Move On ni Jun Almeda;  Skyway ni Joseph Dyhengco;  SweetChildofmine ng Santa Clara Stockfarm;  The Lady Wins ni Patrick Uy;   Tiger Queen ng Running Rich Racing Inc. at Up and Away ni Ruben Dimacuha.

Pagkakalooban naman ng  ng P112,500 ang papangalawa, at P62,500 naman sa  3rd placer habang P25,000 ang 4th placer.

Bilang pagpapahalaga sa breeder, pagkakalooban naman ito ng P15,000  bilang breeder’s prize.

Ang nasabing pakarera ay isang tune up race bilang paghahanda sa nalalapit na Ist Leg Triple Crown na magaganap sa buwan ng Mayo.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …