Monday , December 23 2024

US Navy nang-hostage arestado

Arestado ang isang retiradong US Navy matapos mang-hostage ng kahera sa isang apartelle sa Timog Avenue, Quezon City, Linggo.

Halos tatlong oras na binihag ni Robert Mark Stasastis, 57-anyos, ang biktimang empleyado ng Paradise Apartelle na tinutukan pa umano nito ng kutsilyo.

Ligtas namang nakuha ng mga tauhan ng QCPD ang biktimang hindi na pinangalanan ng mga awtoridad.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, may problema sa pag-ibig ang suspek dahil nakipaghiwalay umano ang Pinay girlfriend nito nang dumating siyang lasing sa nasabing apartelle.

Pahayag ng kasamahan ng biktima, may ibinigay pang sulat si Stasastis na merong pangalan ng babaeng nais niyang makausap at nagbanta anya itong magpapakamatay kung hindi makakausap ang babae.

Nabatid namang overstaying na sa bansa ang retiradong US Navy at pabalik na sana sa Amerika sa Enero 14.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *