Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasay ex-kagawad isinangkot sa holdap vs businessman

ISANG munhant operation ang isinagawa ng Manila Police District (MPD) laban sa dating barangay kagawad sa Pasay City na isinangkot sa panghoholdap ng riding in tandem sa isang negosyante sa Malate, Maynila kamakailan.

Kinilala ang biktimang si Bobby Velasco, may-ari ng Café de Malate, habang tinukoy ang suspek na si Ramon Villareal Buragay, ex-kagawad sa Pasay City, kasama ang isa pang suspek na nagsilbing look-out.

Ayon kay Velasco, nangyari ang insidente noong Miyerkoles, dakong 3:00 ng hapon, matapos niyang ipasiya at ng kanyang arkitekto, hindi nagpabanggit ng pangalan, na  tingnan ang site ng bago niyang branch na nasa Agoncillo Street.

Habang papunta sa lugar, isang lalaking naka-motorsiklo ang pumarada pero hindi nito pinatay ang makina. Maya–maya ay inilabas ng lalaki  ang isang .45 kalibreng baril , ikinasa at itinutok kay Velasco at kasama nito saka nagdeklara ng holdap.

Tumalikod si Velasco at tinangka nitong tumakbo pero mabilis na nahatak ng suspek ang kanyang kuwintas na may diamond, habang kinuha  ang bag ng kanyang contractor na naglalaman ng P60,000, pampasuweldo sa kanyang mga tauhan.

Dumiretso sina Velasco sa  MPD – Paco detachment  at nagreklamo at kinilala niya ang suspek base sa photo files ng pulisya.

Nalaman na ang suspek ay dati nang naaresto sa katulad na krimen at nakalaya lamang sa pamamagitan ng piyansa.

Nalaman na marami nang nabiktima ang riding-in-tandem at ang iba ay hindi na nagrereklamo sa pulisya.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …